• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public transpo sa ilang bahagi ng PH, hindi pa handa para sa full resumption ng F2F classes

HINDI PA handa ang public transportation sa ilang bahagi ng Pilipinas sa pagpapatupad ng full resumption ng face-to-face classes.

 

 

Ito ang naging tugon ng isang grupo ng mga commuter sa planong pagbabalik ng bagong administrasyon sa in-person classes sa darating na pasukan.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ni The Passenger Forum (TPF) Convener Primo Morillo na bago ang pagpapatupad nito ay dapat din na isaalang-alang ng pamahalaan ang dagdag problemang maaaring idulot nito sa public transport system sa bansa.

 

 

Dahil dito ay dapat aniyang magbigay ng agarang tulong sa mga pasaherong maaapektuhan nito ang gobyerno.

 

 

Dapat din aniyang tugunan muna ng gobyerno ang mga suliranin sa imprastraktura sa bansa upang matagumpay nitong maibalik ang normal classroom-based education sa Pilipinas.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang nagiging pahayag ang Department of Transportation (DOTr).

 

 

Magugunita na kamakailan lang ay isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang planong muling pagbabalik ni Vice President Sara Duterte sa face-to-face clases sa ilang paaralan sa pagsapit ng Setyembre, habang sa darating na Nobyembre naman ang target na full transition nito.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang nagiging pahayag ang Department of Transportation (DOTr).

 

 

Magugunita na kamakailan lang ay isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang planong muling pagbabalik ni Vice President Sara Duterte sa face-to-face clases sa ilang paaralan sa pagsapit ng Setyembre, habang sa darating na Nobyembre naman ang target na full transition nito.

Other News
  • Mindanao Week of Peace, ipinagdiwang -Estrella

    DAPAT na nilalayon ng bawat Filipino ang pagdiriwang ng “Mindanao Week of Peace”.     Sinabi ni  Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na “The week-long celebration is a reminder for all Filipinos – regardless of one’s status in life, religion, or culture – should always strive to achieve lasting peace, unity, and harmony.”   […]

  • Mondo Announces ‘The Dune Sketchbook’ Vinyl With 3 Vibrant Movie Posters

    A new vinyl version of Hans Zimmer’s Dune soundtrack, ‘THE DUNE SKETCHBOOK: Music from the Soundtrack,” is now on sale.     Alongside the upcoming musical release are 3 new posters for the film, each with its own distinct style. Dune is yet to be released in some of the world’s biggest markets, but has still managed to amass well over $100 […]

  • Ads February 22, 2023