PUBLIC TRANSPORT NA WALANG PRANGKISA MAS NAPABORAN KAYSA MAY PRANKISA SA ILALIM ng JAO 2014-01???!!!
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
Kailangan ang mahigpit na kampanya laban sa mga colorum na sasakyan. Inaagawan nito ng hanapbuhay ang mga legal na pumapasada at delikado ito sa mga pasahero dahil walang personal passenger insurance ang mga colorum. Pero paano kung ang mismong polisiya na dapat panlaban sa mga colorum ay tila mas mabigat ang parusa sa mga may prangkisa? Ito ang dapat suriin muli ng mga transport officials sa umiiral na Joint Administrative Order no. 2014-01.
Pag ang sasakyang pumapasada na “for hire” ay walang prangkisa ito ay colorum. Pero may klase ng colorum kahit ang sasakyang pumapasada ay may prangkisa. Ito ay kapag nag “out of line” o kaya ay pinasada ng hindi naaayon sa prangkisa (different denomination).
Bago nagkaroon ng JAO 2014-01. Ang out of line operation ay out of line lang at hindi colorum. Pero ano ba ang nakita natin noon pa na hindi patas sa JAO.
Halimbawa na si Pedro ay may limang unit na van, at kinuhanan niya ng prangkisa, Ang limang van na ito ay nasa ilalim ng isang case number at prangkisa. Halimbawa ang biyahe ng mga van ay Fairview to Cubao, kapag lumabas sa rutang ito ay magiging out of line na isang klase ng colorum operation. Pagnahuli impounded ang van ng tatlong buwan, 200 thousand pesos ang tubos pero there’s more under JAO!
Kung nakapaloob sa prangkisa ang unit na out of line colorum ay DAMAY ANG IBANG UNITS SA PRANGKISA KAHIT WALANG KASALANAN ANG MGA DRAYBER NG MGA ITO! Kahit isa lang ang out of line sa mga units paloob sa prangkisa mistulang TINANGGALAN MO NA NG HANAPBUHAY ANG OPERATOR AT MGA DRIVERS DAHIL ANI JAO:
- REVOCATION OF THE ENTIRE CERTIFICATION OF PUBLIC CONVENIENCE
WHERE THE APPREHENDED VEHICLE BELONGS.
- Blacklisting of the apprehended vehicle and ALL OTHER AUTHORIZED
UNITS INCLUDED IN THE CPC FROM BEING USED AS A PUV.
- REVOCATION OF THE REGISTRATION OF THE APPREHENDED VEHICLE
AND ALL OTHER AUTHORIZED UNITS INCLUDED IN THE FRANCHISE.
Parang pinatawan mo ng “death penalty”!
Sa kabilang banda, kung may limang van ka na WALANG prangkisa lahat. At ang isa ay nahuli, Tangging yun lang nahuli ang mapapatawan ng penalty. Parang agrabyado pa ang may prangkisa sa walang prangkisa.
At mas magiging problema ito dahil sa nais ng DOTR na i-consolidate ang mga transport sa isang corporation o kooperatiba. Ang mga units ng kasapi nito ay isasa-ilalim sa prangkisa ng Coop o Corporation. So pag ang isang kasapi ay nag out of line hagip ang lahat ng units sa JAO!
Bagama’t kailangan ma sugpo ang colorum dapat HINDI DAMAY ANG WALANG KASALANAN!
Hindi pa ba sapat ang multa na one million pesos sa bus, P200,000 sa truck, P50,000 sa jeep, P200,000 sa van, P120,000 sa sedan at P6,000 sa MC at tatlong buwan impound ang sasakyan! Kailangan ba na IDAMAY PA ANG WALANG KASALANAN?
Sana ay mapakinggan itong hinaing na ito at ibasura ang probisyong ito sa JAO. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
Ads August 2, 2023
-
2 kelot na nagtangkang magpuslit ng droga sa Valenzuela City Jail, tiklo
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang lalaki na magkasunod na nagtangkang magpasok ng shabu sa loob ng Valenzuela City Jail matapos silang maaresto ng mga jail officer. Sa ulat ni PMSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong alas-5:20 ng hapon nang dumating sa Valenzuela City Jail sa Brgy. Malinta […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 33) Story by Geraldine Monzon
HABANG sakay ng kotse ay nagka-idea si Bernard na puntahan nila si Andrea para makita nila ito ng personal at higit nila itong makilala. Labis itong ikinatuwa ni Angela kaya pinlano agad nila ang sorpresang pagbisita rito. “Sweetheart, samahan mo akong mamili ng mga ipapasalubong natin sa kanya ha.” ani Angela. “Okay, no […]