• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public viewing kay ex-Pres. Aquino isinagawa sa Ateneo

Isinagawa ng pamilya Aquino ang public viewing para kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa Ateneo de Manila University (ADMU) mula 10:00 a.m at 10:00 pm sa kahapon, Biyernes Hunyo 25.

 

 

Sinabi ng nakakabatang kapatid ng dating pangulo na si Kris na matapos ma-cremate ang bangkay ng kapatid ay dinala ito sa kanilang bahay muna sa Time Street.

 

Nakatakda ngayong Hunyo 26 ang libing sa Manila Memorial Park sa tabi ng kanilang magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senator Benigno.

 

 

Humingi ng paumanhin ang mga kapatid ng dating pangulo na magiging limitado lamang ang galaw at pagtanggap nila ng mga bisita dahil sa patuloy pa rin ang pananalasa ng COVID-19.

 

 

Nagtapos kasi ang dating pangulo ng kanyang elementary hanggang kolehiyo sa Ateneo.

 

 

Sa pahayag naman ng Ateneo na papayagan nila ang publiko na magtungo sa harap ng urn ng dating pangulo para magbigay galang at magpapatupad sila ng health and safety protocols gaya ng pagkuha ng temperatura.

 

 

Tanging mga kaanak at malapit ng kaibigan ang papayagang makaupo sa inilaang upuan sa lugar.

 

 

Magugunitang pumanaw ang dating pangulo nitong Huwebes sa Capitol Medical Center sa Quezon City dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad 61. (Daris Jose)

Other News
  • Halos P280-M na halaga ng tulong, naipamahagi sa mga apektado ng oil spill

    INIULAT ng National Task Force – Mindoro oil spill sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa halos Php280 million na ang halaga ng tulong na naipamahagi na sa mga residenteng apektado ng oil spill.     Ito ay sa gitna ng patuloy na pagkilos ng buong gobyerno para tiyakin […]

  • 2 estudyante, delivery rider, funeral boy, karpintero kulong sa higit P300K droga sa Caloocan

    BINITBIT sa selda ang limang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng ilegal na droga nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.       Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLT COL. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Paupau”, 22, […]

  • Gawilan lalangoy, pasok sa Tokyo Para Games

    MAY panlaban rin ang Philippine Team sa 2020 Tokyo Para Olympics matapos makasungkit ng slots si swimmer Ernie Gawilan matapos maabot ang kinakailangang puntos para mapasabak sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 6.   Nakalap ni Gawilan ang Olympic points bunsod nang matikas na kampanya sa 2018 Asian Para Games sa […]