• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public viewing kay ex-Pres. Aquino isinagawa sa Ateneo

Isinagawa ng pamilya Aquino ang public viewing para kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa Ateneo de Manila University (ADMU) mula 10:00 a.m at 10:00 pm sa kahapon, Biyernes Hunyo 25.

 

 

Sinabi ng nakakabatang kapatid ng dating pangulo na si Kris na matapos ma-cremate ang bangkay ng kapatid ay dinala ito sa kanilang bahay muna sa Time Street.

 

Nakatakda ngayong Hunyo 26 ang libing sa Manila Memorial Park sa tabi ng kanilang magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senator Benigno.

 

 

Humingi ng paumanhin ang mga kapatid ng dating pangulo na magiging limitado lamang ang galaw at pagtanggap nila ng mga bisita dahil sa patuloy pa rin ang pananalasa ng COVID-19.

 

 

Nagtapos kasi ang dating pangulo ng kanyang elementary hanggang kolehiyo sa Ateneo.

 

 

Sa pahayag naman ng Ateneo na papayagan nila ang publiko na magtungo sa harap ng urn ng dating pangulo para magbigay galang at magpapatupad sila ng health and safety protocols gaya ng pagkuha ng temperatura.

 

 

Tanging mga kaanak at malapit ng kaibigan ang papayagang makaupo sa inilaang upuan sa lugar.

 

 

Magugunitang pumanaw ang dating pangulo nitong Huwebes sa Capitol Medical Center sa Quezon City dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad 61. (Daris Jose)

Other News
  • Speaker Romualdez pormal nang tinanggap ang P5.268-T Marcos proposed nat’l budget; tiniyak ang transparent sa pagpasa

    PORMAL nang natanggap ng Kamara ang Proposed 2023 National Expenditure Program (NEP).     Mismong si House Speaker Martin Romualdez, kasama sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at vice chair Rep. Stella Quimbo na siyang humarap kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. […]

  • Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin ng maayos; ima-maximize- PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na gagamitin ng maayos ng gobyerno  ang bawat resources para sa  South Commuter Railway Project .     “With the signing of these packages, we demonstrate to our people that we are serious about pursuing large projects for infrastructure to foster growth and revitalize our economy, in […]

  • Nire-recruit na maging part sa pagpuksa sa ‘dogs slaughter’: KORINA, nagpaka-fangirl kay RAYMOND at nalamang dream maging ‘superhero’

    NAGPAKA-FANGIRL si Korina Sanchez at may nalaman siya tungkol sa lovelife ni Raymond Bagatsing.     “I admit. I admire only a few actors. Ilan lang na artista ang hinahangaan ko. And bilib ako kay Raymond Bagatsing”, ayon sa veteran broadcaster sa kanyang recent interview with the award winning actor.     Sino ba ang […]