Publiko, masyadong naging kampante nang ibinaba ang Alert level 1 sa maraming lugar sa bansa – NTF Against COVID-19
- Published on April 12, 2022
- by @peoplesbalita
NAGING relax o naging kampante ang maraming Filipino magmula ng ipinatupad ang Alert level 1 sa maraming lugar ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni NTF Against COVID-19 medical adviser Dr Ted Herbosa na kung saan, naging barometro nito ang bilang ng mga dapat sana’y kuwalipikado ng magpa- booster shot subalit hindi naman ginawang magpaturok.
Aniya, naipit na sa labing dalawang milyon lamang ang mga nagsipag- booster shot samantalang nasa 66 na milyon na ang may 2nd dose.
Malayo aniya ang hahabulin na datos kaya panawagan ni Herbosa sa publiko. Sana ay samantalahin ang Holy Week at walang trabaho.
At kung nasa bakasyon naman, mayroon din namang vaccination sa mga lalawigang pupuntahan at ang ipapakita lang naman ay ang vaccination card na may two doses at lampas na ng three months .
“Medyo nag-relax iyong mga kababayan natin noong bumaba tayo sa Alert Level 1. Naipit tayo sa 12 million lang na naka-booster, whereas, 66 million na ang may two doses. So, malayo iyong hahabulin,” ayon kay Herbosa.
“So, reminder: Habang Holy Week at walang trabaho, siguro ang maganda ay puwede na tayong magpa-booster. And by the way pati doon sa mga probinsiya na bibisitahin ninyo, puwede tayong magpa-booster doon. Ipakita ninyo lang iyong inyong vaccination card na may two doses at kung lampas three months na puwede kayong makatanggap ng booster shot doon sa lugar na iba sa inyong address,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Random manual audit, 99.9% ang match rate sa automated tally – Comelec
AABOT sa 99.9 percent ang match rate ng isinasagawang random manual audit (RMA) ng mga boto noong May 9 elections kumpara sa automated tally. Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 99.97 percent accuracy ang naitala para sa presidential position, 99.94 percent naman para vice presidential, 99.97 percent sa senatorial, 99.79 percent sa […]
-
“SPIDER-MAN: NO WAY HOME” REVEALS RETURNING FOE IN TEASER POSTER
THE Multiverse unleashed. Checkout the official teaser poster below for Columbia Pictures’ new action-adventure Spider-Man: No Way Home, coming exclusively to Philippine cinemas January 08, 2022. [And watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/iur-ckKj27U] About Spider-Man: No Way Home For the first time in the cinematic history of Spider-Man, our friendly neighborhood […]
-
GINANG BINARIL NG ISANG PULID SA KYUSI PATAY
PATAY ang isang ginang matapos na barilin ng isang galit-na galit na pulis sa may Commonwealth QC gabi ng Lunes Mayo 31. Kinilala ang biktima na si Lilybeth Valdez habang ang suspek na pulis ay kinilalang sia P.Master Sgt. Hensy Sinampan nakatalaga sa Kampo Crame sa PSPG. Sa panayan ng anak ni Valdez sa isang […]