Publiko walang dapat ikabahala sa financial system ng mga bangko sa PH – BAP
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Tiniyak din ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na walang dapat ikabahala ang publiko sa mga bangko dahil matibay umano ang financial system sa bansa.
Ginawa ng mga grupo ng mga bangko ang pahayag kasunod nang nabulgar na pamemeke ng ilang junior officer kung saan nakaladkad ang BDO Unibank at Bank of the Philippine Islands.
Una nang nadamay ang naturang dalawang bangko sa tinaguriang pinakamalaking accounting scandal sa Germany na kinasangkutan ng Wirecard.
Maging ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagsabi na rin na hindi pumasok sa Pilipinas ang sinasabing nawawalang $2.1 billion at ginawang cover-up lamang ang naturang mga bangko.
Ayon sa BAP meron mang mga personalidad na magtatangkang mag-falsify ng mga dukumento pero hindi sila basta-basta makakalusot bunsod nang nakalatag na mabusising beripikasyon o tinatawag na due diligence ng mga bangko.
Binigyang diin pa ng Bankers Association na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil sa mahigpit ang mga patakaran na kanilang ipinapatupad sa mga bank certifications.
“The BAP assures the public that the country’s financial system is sound and that very strict rules regarding the issuance of bank certifications are in place,” bahagi pa ng statement ng BAP. “Some individuals may try to forge or falsify these documents, but their authenticity can be readily ascertained through careful scrutiny or verification by the appropriate institutions.”
-
Pinay gymnasts pumitas ng 3 ginto sa Hungary
Sa pagkakataong ito, Pinay gymnasts naman ang nagpasiklab sa international scene matapos humakot ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya sa 2020 Santa’s Cup na idinaos sa Budapest, Hungary. Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Southeast Asian Games champion Daniela Reggie Dela Pisa matapos kumana ng dalawang gintong medalya. Pinagreynahan ni Dela […]
-
Sapilitang pagbabakuna sa mga manggagawa at may-ari ng tiangge workers, oks sa MM Mayors—Abalos
NAGKAISA at pumayag ang mga National Capital Region (NCR) mayors na sapilitang bakunahan ang mga manggagawa at may-ari ng tiangge. Ang katwiran ng mga ito ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ang mga tao sa tiangge ay nagmula sa iba’t ibang lugar at mayroon lamang seasonal visitors. Ibig […]
-
LTO, MMDA minungkahi single ticketing system sa MM
IMINUNGKAHI ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang single ticketing system sa Metro Manila upang magkaroon ng pagkakasundo sa pagbabayad ng mga multa sanhi ng mga traffic violations. Pinangunahan ni LTO assistant secretary Arturo Tugade ang isang technical working group (TWG) kasama ang MMDA at […]