PUGANTENG SOUTH KOREAN, INARESTO SA PORNOGRAPIYA
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagpapakalat ng pornograpiya.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente si Jung Yonggu, 38, ay naaresto sa Cebu City sa bisa ng Warrant of Deportation na inisyu nitong October laban sa kanya sa pagiging undocumented alien at banta sa seguridad .
“The office received information of his crimes from South Korean authorities,” said Morente. “Upon receipt of the information, we immediately filed a charge against him and conducted an investigation to locate and arrest him,” ayon kay Morente.
Ayon din kay BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Sy, si Jung ay may outstanding warrant of arrest na inisyu sa kanya ng Seoul Central District Court noong November 2018 dahil sa pagpo- promote at sirkulasyon ng pornography na labag sa Criminal Code ng Republic of Korea. Nagtago siya sa Pilipinas noong July 2018 upang takasan ang kanyang pananagutan.
Ang kanyang pasaporte ay kinansela na rin ng Korean government kaya maituturing siyang undocumented alien.
Si Jung ay responsible sa pagpapakalat ng mahigit 7,400 na malalaswang videos sa internet file sharing websites, isang daan upang ma-access ito ng mga online users. (Gene Adsuara)
-
“Pagsusulong sa sustainable creative economies, isang hamon sa ating panahon” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS- “Investing in local culture such as music, dance, theatre, literature, including traditional knowledge and skills, can develop creative economies, open up opportunities, and help strengthen identity and community. Ito po ay isang prayoridad sa hamon ng ating panahon.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na […]
-
Bashing sa young actress, lumala pa dahil sa interview kay Boy: POKWANG, ‘di na sumagot sa sinabi ni ELLA na nasaktan sa kanyang naging comment
HINDI na sumagot si Pokwang sa sinabi ni Ella Cruz na nasaktan siya sa comment ni Pokwang tungkol sa “history is tsismis.” Parang anak kasi ang turing ni Pokwang kay Ella kaya nag-comment sa pinag-uusapan sagot ni Ella. Matinding bashing ang natanggap ni Ella sa mga netizens dahil sa kanyang statement. […]
-
Foreign aid, bumuhos para sa ‘Kristine’-hit PH
NAKATAKDANG tumanggap ang Pilipinas ng multi-bIlyong halaga ng international aid mula sa European Union (EU), United Arab Emirates, at Taiwan bilang tugon sa pagkawasak na iniwan ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami). Sinabi ng EU na inaprubahan nito 1.5 million euros (P94 million) na humanitarian aid para tulungan ang pinaka-apektadong populasyon lalo […]