PUJ CONSOLIDATION, MULING BINUKSAN NG LTFRB
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
BINUKSANG muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga aplikasyon para sa konsolidasyon sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno hanggang November 28 ngayong taon.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang mga unconsolidated public utility vehicle drivers at operators ay maaari nang maghain ng aplikasyon para sa consolidation sa ilalim ng PTMP, na dating tinatawag na PUV Modernization Program (PUVMP).
Sinabi ni Guadiz na muli niyang binuksan ang aplikasyon sa loob ng 45 araw bilang tugon sa kahilingan ng Senado.
Dagdag pa ng opisyal na alinsunod ito sa request ng Senado noong nagpasa sila noong una ng resolution. Maari na muli ng mag-apply sa consolidation pero 45 days lang.
Sinabi ri ni Guadiz na ang mga unconsolidated na PUV driver at operator ay pinapayagan lamang na sumali sa mga umiiral na kooperatiba ngunit hindi sila pinapayagang bumuo ng kanilang sarili.
Hinihimok din ng opisyal ang mga unconsolidated na PUV driver at operator na sumali sa modernization program ng gobyerno para makatanggap ng mga benepisyo tulad ng P10,000 para sa fuel subsidy, at P15,000 hanggang P20,000 para sa service contracting sa Libreng Sakay Program.
Matatandaang matapos ang Abril 30 na deadline para sa konsolidasyon, una nang sinabi ng LTFRB na ang mga unconsolidated na PUV ay itinuring na “colorum” o tumatakbo nang walang prangkisa.
Subalit pinayagan ng LTFRB ang mga unconsolidated jeepney at UV Express units na mag-operate sa mahigit 2,500 ruta na may mababang consolidation rates. (PAUL JOHN REYES)
-
Gulo sa PWAI nasa AWF na
UMABOT na rin pala ang alingasngas sa Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) sa nakabase sa Doha, Qatar na Asian Weightlifting Federation (AWF). Ito ay ang kawalang eleksiyon sa National Sport Association ng ‘Pinas sapul noong taong 2016 at basta na lang pinalitan ito ng bagong pangalan. Si PWAI board member Felix Tiukinhoy Jr. […]
-
Tulak kalaboso sa P1 milyon shabu sa Caloocan
MAHIGIT P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng umaga. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jessie Zozobradon alyas “Jess”, 32, […]
-
PBBM, naiintindihan ang pagkalas ni Sara sa Lakas-CMD
NAIINTINDIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na kumalaas at magbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party. Magkagayon man, sinabi ng Pangulo na hindi dapat magambala o magulo si Duterte mula sa mas mahahalagang tungkulin nito. Tinuran ni Pangulong Marcos na dapat […]