PUJ CONSOLIDATION, MULING BINUKSAN NG LTFRB
- Published on October 21, 2024
- by @peoplesbalita
BINUKSANG muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga aplikasyon para sa konsolidasyon sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno hanggang November 28 ngayong taon.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang mga unconsolidated public utility vehicle drivers at operators ay maaari nang maghain ng aplikasyon para sa consolidation sa ilalim ng PTMP, na dating tinatawag na PUV Modernization Program (PUVMP).
Sinabi ni Guadiz na muli niyang binuksan ang aplikasyon sa loob ng 45 araw bilang tugon sa kahilingan ng Senado.
Dagdag pa ng opisyal na alinsunod ito sa request ng Senado noong nagpasa sila noong una ng resolution. Maari na muli ng mag-apply sa consolidation pero 45 days lang.
Sinabi ri ni Guadiz na ang mga unconsolidated na PUV driver at operator ay pinapayagan lamang na sumali sa mga umiiral na kooperatiba ngunit hindi sila pinapayagang bumuo ng kanilang sarili.
Hinihimok din ng opisyal ang mga unconsolidated na PUV driver at operator na sumali sa modernization program ng gobyerno para makatanggap ng mga benepisyo tulad ng P10,000 para sa fuel subsidy, at P15,000 hanggang P20,000 para sa service contracting sa Libreng Sakay Program.
Matatandaang matapos ang Abril 30 na deadline para sa konsolidasyon, una nang sinabi ng LTFRB na ang mga unconsolidated na PUV ay itinuring na “colorum” o tumatakbo nang walang prangkisa.
Subalit pinayagan ng LTFRB ang mga unconsolidated jeepney at UV Express units na mag-operate sa mahigit 2,500 ruta na may mababang consolidation rates. (PAUL JOHN REYES)
-
Ilang transmission lines sa Visayas, Mindanao na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette naibalik na – NGCP
Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines ang ilan sa mga transmission lines na apektado nang pananalasa ng Bagyong Odette kamakailan. Ayon sa NGCP, naibalik na ang mga sumusunod na transmission lines hanggang kaninang alas-12:00 ng tanghali: Visayas: San Jose-Culasi 69kV Line Date/Time Out: 16 December 2021 / 9:33PM Date/Time […]
-
Laban ng Azkals at Vietnam nagtapos sa draw
PINAHIYA ng Philippine Azkals U23 ang host nation at defending champion Vietnam sa ikalawang beses nilang paghaharap sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi. Nagtapos kasi ang laban ng dalawa sa goalless draw. Dahil sa panalo ay umangat ng apat na puntos ang Azkals mula sa dalawang matches sa […]
-
SEN. MANNY, PAKIPA-ABOT LANG KAY PRESIDENTE ang ISYU ng CAR PLATES at MOTOR VEHICLE INSPECTION SYSTEM
“Bakit ba sila nagagalit kay Manny dahil sinabi niyang may korapsyon sa gobyerno. Bakit wala ba?” Ito ang pahayag ni Sen. Tito Sotto na tila nagtataka sa mga galit na inani ni ni Sen. Pacquiao sa sinabi nitong talamak ang korapsyon sa pamahalaan. Galit ba sila dahil “walang korapsyon” o dahil may ambisyong […]