Pulis na sangkot sa duterte drug war, kailangan ng legal aid
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
SANG-AYON ang mga lider ng Kamara na kailangang tumulong ang gobyerno lalo na sa pagbibigay ng legal aid sa mga pulis na nakaharap sa kasong kriminal at administratibo dahil sa kanilang partisipasyon sa war on drugs ng dating administrasyon.
Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Quad Committee overall presiding officer, na may mga pulis na nakaharap sa kasong administratibo at kriminal na nangangailangan ngayon ng legal assistance na ipinangako sa kanila ng Duterte administration.
“Nangangailangan po sila ng abogado. In fact, yung iba ay napipilitan pong mangutang sa … PSSLAI (Public Safety Savings and Loan Association, Inc.) para lang makapagbayad ng abogado na makatutulong sa kanilang pagharap dito sa korte dahil nga po sila ay nahaharap sa mga kaso. Isa lang ho ang kanilang sinasabi na nasaan daw iyung pangako sa kanila na tutulungan sila sa mga kaso at kung ma-convict sila,” Barbers said.
He said such promised help is unlikely to come because pardon cannot be exercised by the former President. “Di na mangyayari ngayon yun dahil nga ang pardon ay nagagawa lamang po ng dating Pangulo. So ngayon ay medyo nagkakaproblema po iyung ibang mga miyembro ng PNP na kung saan ay sa kanilang pagtupad sa kanilang duty to serve the people, sila po ay nakakaharap sa administrative and criminal cases,” ani Barbers.
Isinusulong naman ni Quad Comm co-chair at Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang pagsasagawa ng motu proprio investigation upang mabatid ang katotohanan laban sa mga akusadong pulis.
“May intention ba talaga or it was really a call of duty? So kailangan natin malaman yung experience ng mga naapektuhan ng war on drugs,” anang mambabatas.
Batay aniya sa datos mula kay Philippine National Police chief Rommel Marbil, nasa 195 pulis ang na-dismiss mula sa serbisyo at 398 ang nakaharap naman sa dismissal proceedings.
“So papaano iyung pamilya nila? Nawalan sila ng jobs, nawala iyung kanilang life, iyung kanilang dignity as well, in following those orders. Now we wanted to investigate in order to find out what are the necessary things to do especially dito sa mga pamilyang ito. Kailangan siguro po natin ma-distinguish iyung isang lawful order and unlawful acts na ginawa ng mga pulis. Kasi kung mapapansin nyo na-dismiss sila eh. Mga lower ranks sila eh. Hindi nila alam na yun ang ginawa nila is unlawful. Di ba may pronouncement ang (dating) Presidente na, ‘I alone will be responsible for the effects of the war on drugs.’ Now na nangyari sa kanila ito, so sino ang tutulong kanila? So I think the government should also step in in order to find out yung culpability na nila talaga,” dagdag ni Fernandez.
Ayon kay Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., Quad Comm co-chair, layon ng komite na tulungan ang mga pulis.
“Merong mga kapulisan natin na gustong magsabi ng katotohanan. Pinag-usapan na namin ito eh that we are there to help. We’re there to ask the DOJ to perhaps provide the witness protection on them. Sa protection for policemen who are honest enough to tell the truth. Hindi namin sila pababayaan. That, we could be able to assure them,” ani Abante.
Sinabi naman ni Zambales Rep. Jefferson Khonghun na ang kaso laban sa mga pulis ay nag ugat sa pagsunod nila sa direktiba ng pangulo.
“Nakakalungkot lang na napabayaan yung mga police. Siyempre akala nila na they are following direct orders coming from the former President. So sa ngayon napabayaan sila. So nakakalungkot lang dahil yung sinasabi ni former President is all rhetoric. Sana tulungan nila yung mga pulis na nagkaroon ng kaso sa presidential directive na ito,” pahayag nito. (Vina de Guzman)
-
Dahil sa killer clown na si Pennywise sa ‘IT’: ANDREA, ini-reveal sa vlog na may takot sa mga payaso
EXCITED na ang ilang Sparkle artists para sa magaganap na GMA Thanksgiving Gala sa July 30. May kanya-kanya paghahanda ang ilang Kapuso hunks tulad nina Jak Roberto, Nikki Co, Kristoffer Martin at Dion Ignacio. Si Jak ay gusto munang magbawas ng timbang para raw mas maganda ang lapat ng […]
-
Wish ng fans na mabuntis na sa 2024: SARAH, hindi napi-pressure sa pagkakaroon ng baby
MARAMING fans ni Sarah Geronimo ang nalungkot sa pagkaka-postpone ng concert nito kasama si Bamboo sa Clark, Pampanga. Medical reason ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang naturang concert. Inabisuhan daw si Sarah ng kanyang doktor na magpahinga muna. “Medyo nagkulang po ng preparations vocally and physically. so medyo it took a toll doon sa […]
-
1k na newly-hired contact tracers, magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo- Usec.Malaya
TINATAYANG 1,000 newly-hired contact tracers ang magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na mahigit sa 10,000 ang nag-apply bilang contact tracers kung saan mahigit 2,000 applications naman ang in-assessed ng DILG. “Doon sa 5,754 […]