Pulis tinodas ng riding in tandem sa Caloocan
- Published on May 17, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG pulis ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem na mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng mga bala sa katawan ang biktima na kinilalang si PCpl Ruben Tan, 28, nakatalaga sa Sta. Quiteria Police Sub-Station (SS-6) ng Caloocan City Police at residente ng No. 254 Amaya’s St. Baesa, Brgy. 161.
Base sa nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-7:47 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Ignacio Compound, Brgy. 162, ng lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo habang tinatahak ang naturang lugar nang biglang sumulpot mula sa likod ang mga suspek na magkaangkas sa isang N-Max na motorsiklo at armado ng baril saka pinagbabaril si Tan.
Gayunman, kaagad namang napansin ng biktima ang mga suspek kaya’t huminto ito at tinangkang gumanti ng putok gamit ang kanyang service firearm subalit, muli siyang pinaputukan ng mga salarin hanggang tamaan siya sa katawan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.
Patuloy naman ang isinasagawang follow up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at sa agarang pagkakaaesto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
Pagkuha ng student driver’s license, huwag negosyo ipairal
KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng Abril, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay daraan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency. Sa plano rin ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang […]
-
TOM, nagka-interes sa kakaibang character kaya niya tinanggap ang teleserye kasama sina ALDEN at JASMINE
SIMULA na ngayong gabi, June 28, ang finale week ng top rating at pinag-uusapang romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Nagsimula na ang twist ng story last Friday evening, and it seems, na wala nang maba-bash ang mga netizens na galit sa mga gumanap na kontrabida sa buhay […]
-
Mahigit sa 879,000 namatay, naitala para sa taong 2021
ITINUTURING ng Commission on Population and Development (PopCom) na “deadliest” sa kasaysayan ng Pilipinas ang naitalang 879,000 filipinong namatay noong 2021. Sinabi ni PopCom executive director, Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang kabuuang 879,429 na namatay na filipino ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon. […]