Pulis todas sa pamamaril sa Caloocan
- Published on April 24, 2021
- by @peoplesbalita
Nasawi ang isang 40-anyos na pulis matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng dalawang sasakyan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Police Corporal Ronel Acuña, 40, nakatalaga sa Caloocan City Police at residente ng No. 104 Capaz St. Brgy. 63 ng lungsod.
Batay sa report ni police investigator PSSg Arjay Terrado kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Bernadette at Nadurata Streets sa pagitan ng 8th at 9th Avenue, West Grace Park, Brgy. 60 ng lungsod.
Lumabas sa imbestigasyon na pauwi ang biktima kasama ang witness na si Regine Lintag, 27 ng 102 Baltazar St. 5th Avenue, Brgy. 49 sakay ng motorsiklo.
Pagsapit sa naturang lugar ay biglang lumitaw ang mga suspek na sakay ng isang kulay puting Toyota Fortuner at kulay silver na Toyota Innova na parehong hindi nakuha ang plaka at pinagbabaril sa ulo at katawan ang biktima.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang sasakyan sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan nakahandusay ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.
Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng NPD-SOCO sa pangunguna ni PLT Romar Quilang sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng M16, tatlong basyo ng bala ng cal. 45 baril at isang deformed fired bullet.
Ipinag-utos na ni Col. Mina ang follow-up imbestigasyon para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
Comelec, binabantayan ang posibleng paglipana ng mga flying voter
TINIYAK ng Commission on Elections na hindi na makakalusot ang mga botante na nagnanais magkaroon ng multiple registration para makaboto sa ilang presinto sa susunod na halalan. Ayon kay Comelec spokesperson Atty Rex Laudiangco, binabantayan na ng komisyon ang posibilidad ng paglipana ng mga naturang botante o tinatawag ding flying voter. […]
-
Mark Magsayo at Brandon Figueroa magbabakbakan para sa interim title ng WBC featherweight
MAGTUTUOS sina dating World Boxing Council featherweight champion Mark Magsayo at former unified WBC/World Boxing Association super-bantamweight titlist Brandon Figueroa ng United States sa Marso 4 para sa WBC interim 126-pound title sa Toyota Arena sa Ontario, California. May 24-1-0 (win-loss-draw), 16 knockouts record ang Pinoy at si Figueroa ay 22-1-1, 17KOs patungo sa […]
-
Navotas, nakiisa sa International Coastal Clean-up Day
NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas. Hinikayat ni Mayor Tiangco ang mga Navoteño na hindi lamang makiisa sa paglilinis tuwing mayroong espesyal na okasyon, kundi gawing habit […]