• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PULIS UTAS, 1 PA SUGATAN SA BARIL NG KANILANG KABARO

ISANG 33-anyos na pulis ang namatay habang sugatan naman ang isa pa matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang kabaro na nagsasagawa ng dry-firing sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado ng District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa DMFB-Forward Base at residente ng Sangandaan, Caloocan city habang si Pat. Jhomel Blas, 26 ng C-5 Road, Brgy. Ususan, Taguig City ay nasa ligtas ng kalagayan.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, kusang loob namang sumuko si Pat. Mark Jim Prado, 28, nakatalaga din sa DMFB Forward Base at residente ng 5-0 Gen. Santos Ave., Lower Bicutan, Taguig City na nahaharap sa kasong homicide at serious physical injury.

 

Sa inisyal na impormasyon mula kay P/SSgt. Jerry Bautista ng Malabon Police Sub-Station 4, habang nagsasagawa si Pat. Prado ng dry-fire gamit ang kanyang issued caliber .9mm Canik pistol sa loob ng DMFB Forward Base sa Blk 45 Salmon St. Brgy. Longos, alas-8:45 ng umaga nang aksidenteng pumutok ang baril.

 

Tumagos ang bala sa dingding na kahoy at tinamaan si SSgt. Pacanor sa likod at tumagos ang slug sa harap ng kanyang katawan habang si Pat. Blas ay nahagip naman sa ibabang bahagi ng kaliwang tainga.

 

Kaagad isinugod ang mga biktima sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na umabot ng buhay si PSSg Pacanor habang inilipat naman kalaunan si Pat. Blas sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot. (Richard Mesa)

Other News
  • German tennis star Alexander Zverev nagkampeon sa Paris Masters

    NAGKAMPEON si Alexander Zverev ng Germany sa Paris Masters.     Ito ay matapos na talunin si Ugo Humbert 6-2, 6-2.     Ang 27-anyos na si Zverev ngayon mayroon ng maipagmamalaking ATP 1000-level titles sa kaniyang career.     Tila nakaganti si Zverev matapos na mabigo ito sa final ng French Open kay Carlos […]

  • Football star Cristiano Ronaldo may mahigit 1-B followers na

    PANIBAGONG record na naman ang naitala ng football star na si Cristiano Ronaldo.     Umabot na kasi sa kabuuang isang bilyon ang kaniyang followers sa kaniyang iba’t ibang social media accounts.     Ang nasabing bilang ay mula sa lahat ng kaniyang social media accounts.     Itinuturing na siya lamang ang unang katao […]

  • Cool Smashers dumikit sa Finals

    NAPIGILAN ng Creamline ang hamon ng Choco Mucho tungo sa 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo para makuha ang 1-0 bentahe sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference best-of-three semifinal series kahapon sa The Arena sa San Juan City.     Muling nagpasabog ng malakas na puwersa si opposite hitter Tots Carlos na bumomba ng 26 […]