Pulong nina US VP Harris at PBBM nakatutok sa pagpapalawak sa security alliance, economic relationship
- Published on November 21, 2022
- by @peoplesbalita
TATALAKAYIN din sa pulong nina Marcos Jr. at Harris ang paninindigan kaugnay sa international rules lalo na ang freedom of navigation.
Siniguro din ng US Embassy ang commitment ng US Vice President na makipag tulungan ito sa Pilipinas para palawakin pa ang economic partnership and investment tries ng dalawang bansa.
Umaasa ang Amerika na magkakaroon ng bagong initiatives na may kaugnayan sa digital economy at pagsusulong ng clean energy.
Habang nasa bansa si Harris magkakaroon ito ng pagkakataon na makipagkita sa civil society activist kung saan ipinapakita nito ang suporta ng US sa human rights at democratic resilience.
Dadalo rin si VP Harris sa isang townhall event kung saan i-empower nito ang mga Kababaihang Pinoy hinggil sa economic empowerment at civic participation.
Ito ang adbokasiya na isinusulong ni US VP Harris, at kauna -unahang niyang ginawa simula ng maluklok siya sa pwesto.
Nakatakda din bumiya si Harris sa Puerto Princesa, Palawan si Harris kung saan makikipagpulong siya sa mga residente, civil society leaders at mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay maituturing na historic event dahil ang Vice-President ay isa sa highest-ranking U.S. official na bumisita sa naturang lugar.
Nagpapakita rin ito sa commitment ng Biden-Harris administration na makiisa sa Pilipinas bilang magka-alyadong bansa at igiit ang international maritime order. (Daris Jose)
-
Comelec iniimbestigahan na ang pagtapon ng training ballots sa Cavite
INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang nadiskubreng pagtapon ng training ballots sa Cavite. Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, kanila ng inaalam kung bakit nadala ng F2 Logistics ang kanilang service provider ang mga nagamit na balota mula sa Tondo papunta sa Cavite at bakit anduon ito sa isang tabi. […]
-
Patuloy ang pagtulong at walang balak magbalik-showbiz: PRINCESS, itinatag ang foundation bilang parangal sa nasimulan ng mga magulang
NAKATUTUWANG malaman na abalang-abala pala ngayon ang dating aktres na si Princess Revilla sa kanyang foundation. Ang latest charity event niya ay ginanap kamakailan sa Brgy. Habay II, Bacoor City na kung saan 400 bata na sinamahan ng kanilang mga magulang na edad mula 3 taong gulang hanggang 12 taong gulang, ang tumanggap […]
-
Mister na wanted sa kidnapping sa Caloocan, timbog
MAKALIPAS ang mahigit 19 taon, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isang mister na wanted sa kaso ng kidnapping sa isang menor-de-edad matapos maaresto ng pulisya sa ilegal na droga sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado sa alyas “Michael”, 48 ng Brgy., 176, […]