PUMATAY SA DATING BARANGAY KAGAWAD SA CAVITE, ARESTADO SA MAYNILA
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang isa sa tatlong akusado sa pagpatay sa dating barangay kagawad sa Maragondon, Cavite nang isilbi ang kanyang arrest warrant kagabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Sa ulat ng MPD, inisyu ni Judge Ralph Arellano ng Branch 132 Naic, Cavite nag warrant of arresta laban sa naarestong akusado na si Arnold Lacañas, 30, helper, at may live-in partner na nakatira sa Blk.15-A Baseco Compound.
Si Lacañas ay may kinakaharap na kasong arson, robbery with homicide sa korte matapos pagtatagain si Raulito Aquino, 64, dating barangay kagawad ng Maragondon at residente ng ng Brgy Bucal 2, Maragondon, Cavite.
Pagkatapos pagtatagain ang biktima ay sinunog pa ang kanyang resthouse kung saan natagpuan din itong sunog na sunog.
Napag-alaman na nauna nang sumuko ang kanyang kasabwat na sina Marvin Madugay Rosales ng Brgy Sapang 2 Ternate Cavite; Mark Kevin Decin ng Brgy Sapang 2, Ternate kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso .
Ayon kay Lacañas, pinasok nila sa kuwarto ang biktima at pinagtataga matapos na hindi nila nagustuhan ang inasal at trato sa kanila ng konsehal nang sila ay kunin para gumawa ng kulongan ng manok.
Mag-iisang taon nang nagtago si Lacañas sa batas matapos ang ginawang krimen noong August 16,2020 kung saan sinabi nitong ayaw niyang magpakulong sa Cavite dahil batid niyang hindi siya ligtas at mas safe aniya siya sa Maynila.
Naaresto ang akusado sa koordinasyon na rin ng Cavite Police sa MPD kung saan pinangunahan ni Capt. Edwin B.Fuggan sa ilalim ng liderato ni PLtCol Robert Domingo, station commander ng Police Station 13 ng MPD. (GENE ADSUARA)
-
GO INSIDE THE MAKING OF “THE POPE’S EXORCIST”
“It’s more than an exorcism; it’s a conspiracy.” So says director Julius Avery about The Pope’s Exorcist, the terrifying new horror thriller opening in cinemas April 19. “There’s something much bigger going on. The stakes are massive,” To give the audience the feeling of how big the stakes are, Avery shot the film in […]
-
AARON TAYLOR-JOHNSON, BRIAN TYREE HENRY ARE THE TWIN ASSASSINS IN “BULLET TRAIN”
AARON Taylor-Johnson (Avengers: Age of Ultron, upcoming Kraven The Hunter) and Brian Tyree Henry (Marvel’s The Eternals) star as lethal assassins called The Twins in Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train, in Philippine cinemas August 3. [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/Eku2gerbnMc] Bullet Train brings together seven characters, […]
-
P546 milyong budget ng PSC para sa major events sa 2023
PONDONG P546 milyon ang ipinanukala ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa partisipasyon ng mga national athletes sa siyam na malalaking international competitions sa 2023. Kabilang rito ang 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo 2-16 at ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8. […]