• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUNERARYA SA MAYNILA NA MAGPAPAHINTULOT NG INUMAN SA LAMAY, BABAWIIN ANG BUSINESS PERMIT

BABAWIIN ang business permit at hindi papayagan na mag-operate ang sinumang punerarya sa Lungsod ng Maynila na nagkakaroon ng oniman sa lamayan, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

 

Ang naturang babala ay sinabi ni Domagoso sa kanilang isinagawang lingguhang pagpupulong kasama ang mga Department Heads at mga opisyal ng Manila City Hall ngayong araw kung saan inatasan nito si Bureau of Permit Director Levi Facundo na abisuhan ang mga may-ari ng punerarya sa Maynila na huwag nilang payagan na magkaroon ng inuman sa kanilang pinagbuburulan gayundin ay huwag sumuway sa ipinapatupad na City Ordinance No. 5555 (Drinking in Public Place).

 

“Lahat ng punerarya na magpapainum (alak), we will revoke their permit kapag may nahuli tayo na nag-iinuman and violating City Ordinance 5555 sa lamay ng patay sa punerarya nila. This is non-negotiable, masyado silang nagre-relax,” ani Domagoso.

 

Nagbabala din si Domagoso sa mga opisyal ng Manila Police District (MPD) na sa oras na umikot siya sa lungsod ng Maynila at may naaktuhan itong may umiinum sa pampublikong lugar ay ipasisibak nito ang Station Commander at PCP Commander o Outpost Commander na nakasasakop nito.

 

“Ngayon Col. Domingo sabihan lahat ng istasyon, kapag ako umikot ng madaling araw, hatinggabi, o araw at ako mismo ang nakahuli violation of 5555 o inuman sa kalsada o public places sa Manila One-strike policy, tatanggalin natin yung Kernel, yung precinct commander, station commander, PCP or outpost ng area na yun,“ giit ni Domagoso.

 

Aniya, dapat mahigpit ana ipatupad ang nasabing ordinansa at hindi umano dahilan ang patay o birthday upang uminum sa mga pampublikong lugar. Isa sa mga dahilan ng pagkalat ng sakit na COVID ay ang pagtalsik ng laway na posibleng mangyari kapag nag-iinuman, nagpupulutan at nagkakakwentuhan ang mga manginginom sa kalye. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PDu30, muling nanindigan sa posibilidad na pagbabalik ng death penalty

    MULING nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan.   Giit ng Pangulo, basta’t karumal-dumal na krimen lalo na’t ginawa ang krimen sa mga inosente sabi ng Pangulo ay dapat pang na maibalik ang capital punishment.   Aniya, hindi naman pinawalang saysay kundi sinuspinde lamang ang death penalty.   “I […]

  • Catriona, nag-react din sa fake news: SHARON, ‘di na nakapagpigil mag-post tungkol sa ‘fake products’ na ini-endorse

    HINDI na nga nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na mag-post sa kanyang Instagram account para magpaalala at bigyang linaw na isang malaking ‘fake news’ ang mga kalat na kalat na mga produkto na in-endorse daw niya.   Kaya naman, tiyak na gigil na gigil si Mega habang tina-type ang kanyang post na dahil may bago […]

  • FANS CHAMPION “BLACK ADAM” WORLDWIDE, SEEN TO DOMINATE PH BOX-OFFICE THROUGH LONG WEEKEND

    October 26, 2022 – DC universe’s fan-favorite antihero “Black Adam” electrified the global box office this weekend with a raging $140 million, becoming Dwayne Johnson’s biggest solo opening ever (outside the ensemble-led “Fast & Furious” franchise). [Watch the featurette “Black Adam: From Soul to Screen” at https://youtu.be/3-mscP3eIts] Bringing the superhero’s compelling origin story to the big […]