• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pupunta si Kathryn pero ‘di invited si Daniel: Dream wedding ni BEA, siguradong tutuparin ni DOMINIC

AYON sa isang panayam, inamin ni Dominic Roque na nagpi-prepare na sila ni Bea Alonzo para sa kanilang kasal na mangyari na taong ito.

 

Mula nang pumasok ang 2024 ay nagsimula na sila ng kanyang fiancee sa kanilang wedding preparation, na kung saan pareho silang excited.

 

 

“The wedding is happening outside Metro Manila, the guest list is not yet complete, but our best friends, families, and relatives are going to be there.

 

 

“Next week, we’ll go full swing with the planning,” ayon sa naging pahayag ni Dominic.

 

Pag-amin pa ng aktor na may mga pagkakataon na naaasar daw sa kanya si Bea dahil feeling daw ng Kapuso actress ay hindi raw siya masyadong tutok sa preparasyon para sa nalalapit na kasal.

 

 

“Sometimes, she gets annoyed with me because she feels like I’m not too involved, but every woman has a dream wedding, and Bea has one.

 

 

“We’re just thankful that a lot of our friends are involved in this. It’s her dream (wedding) so I’m giving it to her, we’re doing it together,” paliwanag pa ni Dom.

 

 

Samantala, makikita sa kanilang Instagram ang photos at videos na kuha sa Sapporo, Japan, na kung saan enjoy na enjoy sila sa malamig na klima ng bansa.

 

 

Makikita rin na isinabit ng engaged couple ang kanilang “love padlock” sa malapit sa Fortune Bell ng dinadayong lugar.

 

 

“Dom and I decided to be cheesy and got ourselves a lovelock and put it on the railings,” caption ni Bea sa kanyang IG post.

 

 

Dagdag pa niya, “tinapon na namin yung key, pang forever na ‘to. Hahhahaha.”

 

 

***

 

 

SAMANTALA, sinagot ng aktor na si Kathryn Bernardo lang ang dadalo sa kasal nila ni Bea, dahil hindi raw imbitado si Daniel Padilla. .

 

 

Paliwanag ni Dominic, hindi pa raw sila okay ni DJ at hindi pa rin nag-uusap.

 

 

“Hindi naman kami… hindi pa kami okay ni DJ. I mean, we’re not talking since 2020.

 

 

“We haven’t seen each other for the longest time, since 2020.”

 

 

Itinanggi rin ni Dom na nagkita sila ni DJ sa FIBA. Ang tinutukoy raw nito ay si Marco Gumabao na kasama sa mga groomsmen niya, pati ang mga close friends na sina Patrick Sugui, at Khalil Ramos.

 

 

Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye sa nalalapit na kasal nila ni Bea, pero malamang ay magaganap ito sa ibang bansa.

 

 

At malalaman daw natin yun kung kailan at saan, sa mga darating na araw.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Comelec nanawagan: Magparehistro na bago Enero 31

    MULING umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na gawin ang lahat ng magagamit na paraan para makapagparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ng taong ito, sa isang linggong nalalabi ng voter’s registration.     Ani Comelec spokesman Rex Laudiangco, ng mga kwalipikadong botante ay maari namang magpatala sa […]

  • DEREK, may regret dahil nakipaghiwalay kay ANDREA over the phone lang

    PATULOY pa rin na nagsasalita si Derek Ramsay sa naging break-up nila ng dating girlfriend na si Andrea Torres.     Habang ang Kapuso actress naman ay nananatiling tahimik lamang.     Nagpa-interview si Derek sa radio program ni Cristy Fermin at doon nga, siniwalat nito kung paano sila nag-break.     Na sabi ni Derek, […]

  • 9 nagbalangkas ng 1987 Constitution inendorso Robredo-Pangilinan sa 2022

    ISANG ARAW bago ang ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power Revolt na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, inendorso ng ilang framers ng Saligang Batas ang kandidatura nina presidental at vice presidential candidates Bise Presidente Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan.     Ilan sa mga lumagda sa naturang pahayag, na inilabas ngayong Huwebes, ay […]