• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puri ng 6-anyos ‘binaboy’, 15-anyos na kapitbahay tiklo

HAWAK agad kahapon (Huwebes) ng mga awtoridad ang 15-anyos na binatilyong inireklamo para sa umano’y paghalay sa 6-anyos na kapitbahay sa Pasay City.

 

Dinampot ng mga security guard ang binatilyo sa tinitirhan nitong condominium matapos ireklamo ng ina ng biktima Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng Southern Police District.

 

Bago ito’y natagpuan ng ina ang anak na babae na umiiyak, at ipinagtapat ng bata na siya’y hinalay ng kanilang kapitbahay sa condo.

 

Tinanggal umano ng suspek ang kanyang saplot pang-ibaba saka siya pinatungan at ‘binayo’ ang kanyang pagkababae.

 

Nabatid na kapwa naninirahan ang grade 1 student at suspek sa ikasiyam na palapag ng naturang condominium nang yayain ng binatilyo ang bata sa ika-12 palapag at doon hinubaran bago pinuwersa ang ari sa murang katawan ng biktima.

 

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na dinala ng binatilyo ang grade 1 student sa 12th floor ng condominium at doon ito hinalay.

 

Isinasailalim na rin ang bata sa counseling at idinaan sa Medico Genital sa pangangasiwa ng crime lab habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Womens and Children Protection Desk ng Pasay City Police sa nasabing kaso.

Other News
  • Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa sa 0.35

    Mas lalo pang bumaba ang kaso ng hawaan o ang reproduction number ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na umaabot na lamang sa 0.35 mula Nobyembre 29 hanggang Dec. 5.     Ayon sa OCTA Research Group, ang naturang reproduction number ay mas mababa sa 0.92 sa kaparehong period ng 2020.     […]

  • Higit 5,000 dagdag na COVID case sa PH, halos 100 bagong nasawi – DOH

    Mula sa 6,216 kahapon, bahagyang bumaba sa 5,479 na ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,548,755 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Sa ilalim ng […]

  • Warrant of arrest pa vs Quiboloy, inisyu ng Pasig RTC

    NAGLABAS  na rin ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) ng warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader at founder Pastor Apollo Quiboloy , Huwebes, kaugnay ng kinakaharap nitong kaso ng human trafficking.     Ito na ang ikalawang arrest warrant laban kay Quiboloy matapos na una na siyang isyuhan ng […]