• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puring-puri naman siya ng veteran actor: DINGDONG, sobrang saya na muling makatrabaho si TIRSO

IKINATUWA ni Dingdong Dantes makatrabaho ulit sa isang malaking teleserye ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III.

 

 

Unang nagkasama sina Dong at Kuya Pip sa 2002 teleserye na ‘Sana ay Ikaw Na Nga’. Nagkasama sila ulit sa teleserye na ‘Endless Love’ noong 2010 at sa ‘I Heart U Pare’ in 2011.

 

 

Ngayon ay gaganap silang mag-ama sa inaabangan na murder mystery serye ng GMA na ‘Royal Blood’.

 

 

Kuwento ni Dingdong, “Nu’ng malaman ko na makakasama ko siya sa ‘Royal Blood’ sobrang saya. Very fatherly sa set, very warm, ang dami mong matututunan, and at the same very funny.”

 

 

Kuwento ni Kuya Pip na tuwing nagkikita sila ni Dong, ang tawag niya rito parati ay Carlos Miguel. Yun kasi ang pangalan ni Dong sa ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’.

 

 

“For a long long time, for so many many years, ang tawag ko sa kanya tuwing magkikita kami is Carlos Miguel. And ngayon mapapalitan na ‘yan, iba na ‘yung pangalan niya ngayon.

 

 

“But it was always been a very nice experience for me everytime I work with Dingdong. He’s a very kindhearted man, he’s very professional, and I can see he really loves his job. He’s not here just for the glory, for the fame, no. He has his heart into the art itself, the craft of acting.”

 

 

Sa ‘Royal Blood’, gaganap si Tirso bilang Gustavo Royales, ang pinatay na business tycoon. Gaganap pang tatlong anak ni Gustavo sina Mikael Daez, Rhian Ramos at Lianne Valentin.

 

 

***

 

 

INIHAYAG ni Mavy Legaspi na in love siya ngayon, at sinabing si Kyline Alcantara ang kahulugan ng pag-ibig para sa kaniya.

 

 

Si Kyline naman, tinawag ang aktor na, “my protector.”

 

 

Tinanong ang aktor kung gaano siya ka-protective kay Kyline.

 

 

“Protective? 10, 20, 30, 40, 50… 100. Mataas talaga,” sabi ni Mavy.

 

 

Ngunit sa pagiging istrikto, minarkahan ni Mavy ang sarili na 3 out of 10 lang siya pagdating kay Kyline, dahil hindi siya konserbatibo.

 

 

“Sa damit, that’s it. Doon ako… I have this agreement with Kyline na she’s free to wear anything she wants. But for example, mini skirt, ganoon, I always remind her na ‘You can wear cycling shorts,’ just in case. Kasi she has instances where she is a very clumsy woman,” paliwanag ng binata.

 

 

Muling nagtambal ang MavLine loveteam sa bagong GMA-Wattpad series na ‘Luv Is: Love At First Read’. Kasama pa nila sina Therese Malvar, Pam Prinster, Larkin Castor, Bruce Roeland, Mariel Pamintuan, Kiel and Gabby Gueco at sina Jackie Lou Blanco, Jestoni Alarcon at Maricar de Mesa.

 

 

***

 

 

NATULOY din sa wakas ang matagal nang inaasam na European vacation ng pamilya ng celebrity couple na sina Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer kasama ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, and Gavin. Tawag sa kanila ay Team Kramer.

 

 

Hinintay lang daw ng mag-asawa ang bakasyon ng mga bata sa school para ma-enjoy nila ng matagal ang paggala sa Europe.

 

 

Post ni Doug on IG: “Bye Manila! After a hectic May schedule of meetings, schools, launches, and shoots, please pray for us as we go on our longest vacation yet! A much-needed one.”

 

 

Unang stop ng Team Kramer ay sa London na first time marating ng mag-asawa.

 

 

“We’re in London baby!” caption pa ni Doug sa IG post habang naka-pose sila sa Tower Bridge.

 

 

Three years din daw kasi hindi nakapagbakasyon abroad ang Team Kramer dahil sa pandemic. Noong magluwag na ay nag-local travel muna sila sa Palawan at Boracay. Noong nakaraang holidays ay bumiyahe ang Team Kramer to Japan and Hong Kong.

 

 

At kahit super expensive ang magbiyahe to Europe, hindi naman kakapusin sa budget ang Team Kramer dahil in-demand pa rin ang kanilang pamilya sa pag-endorse ng iba’t ibang produkto at laman pa rin sila ng maraming TV commercials.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PCSO chair, pinuri positibong epekto ng Bagong Pilipinas Service Fair

    PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang positibong epekto ng programa tulad ng “Bagong Pilipinas Service Fair” sa pagpapalapit ng pamahalaan sa mga mamamayan.     “Programs such as the Bagong Pilipinas Service Fair have a positive impact on our communities. Dahil sa mga programang ganito na gobyerno mismo ang […]

  • Psalm 27:8

    Your face, Lord, I seek.

  • Ads May 18, 2021