• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puring-puri ng netizens ang pagiging mother-in-law: SYLVIA, nag-uumapaw ang saya sa engagement nina ZANJOE at RIA

NAG-POST na rin sa kanyang Instagram account ang premyadong aktres at Face ng Beautederm na si Sylvia Sanchez, tungkol sa engagement ng anak na si Ria Atayde at boyfriend na si Zanjoe Marudo na kanilang in-announce last February 20.

 

 

Nagpahayag nga si Sylvia nang labis na kaligayahan para sa kanyang anak.

 

 

“Happy ako sobra para sa iyo Potpot @ria [red heart emoji],” caption niya kasama ang video ni Ria na naka-black one piece swimsuit na umaahon sa isang beach.

 

 

Dagdag mensahe pa niya sa anak, “Deserve mo yan dahil napakabuti mong anak [red heart emoji]”

 

 

Sa next IG post naman ni Ibyang, ibinahagi niya ang photo na magkasama ang celebrity couple. Makikita rin ang photos na nag-video call sila ni Ria kasama si Zanjoe, na makikitang happy sila lahat sa magandang balita na engaged na ang magkasintahan.

 

 

Sa caption ng mahusay na aktres, damang-dama ang nag-uumapaw na kasiyahan, “My heart is overflowing with Joy [red heart emoji]

 

 

“Perfectly Matched [three ring emojis].”

 

 

Matatandaan na nag-comment ang sister ni Ria na si Gela Atayde matapos ang proposal ni Zanjoe ng, “No I’m gonna cry again. Ily both.”

 

 

At sa kanyang Instagram Story, nagbilin si Gela sa brother-in-law to be na alagaang mabuti ang kanyang kapatid.

 

 

“Please take care of her, kuya @onlyzanjoemarudo [white heart emoji],” sey ni Gela.

 

 

Sa naging interview namin kay Sylvia sa 1st anniversary ng Beautederm Headquarte sa Angeles, Pampanga, isa sa naitanong namin ay kung handa na ba ang pamilya Atayde sa isa pang bonggang kasalan.

 

 

“Hindi ko alam kay Zanjoe, kay Zanjoe yan,” sambit niya.

 

 

“Nasa kanya yun, wala sa akin. Hindi ko para pangunahan si Zanjoe, maghihintay ako, kung ano ang gusto nilang dalawa. Sila yan eh, bilang nanay o magiging mother-in-law, ayaw kong makialam, ayokong pasukin ang relasyon nila, bahala sila.

 

 

“Basta ito ang sasabihin sa inyong lahat, mahal ko Maine (Mendoza) at mahal si Zanjoe, napakabait nilang dalawa.”

 

 

At kapag naging lola na raw, sa anak man nina Ria o Arjo, ang gusto niyang itawag sa kanya ng magiging apo ay ‘Mommy La’.

 

 

Marami pa ring celebrity friends at netizens ang bumati sa engagement nina Ria at Zanjoe.

 

 

Pinuri rin ng netizens si Sylvia dahil nakikita nila ang pagiging mabait na mother-in-law.

 

 

“Kung ganito lahat ng mother-in-law, this world will be a better place [three red heart emojis].”

 

 

“Ms. Sylvia, Zanjoe is so lucky you are such a good and loving mother-in-law, congratulations.”

 

 

“Inantay ko talaga un post mo mam, you are such a loving and sweet mom to your kids.”

 

 

“Pag kagaya ni Ma’am Sylvia magiging biyenan mo napaka-suwerte mo na [heart eyes emoji] Congratulations to the newly engaged couple.”

 

 

“Congrats… Swerte ng mga anak ni madam Sylvia ang bait nyo po.”

 

 

“Parang napakasarap maging mother-in-law ni Ms. Sylvia.”

 

 

“Sana all ganito ang mother-in-law.”

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PBBM, Biden posibleng magkita at muling magpulong sa Abril– envoy

    POSIBLENG muling magkita sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang  US counterpart  na si Joe Biden kapag  nagtugma na available ang kani-kanilang iskedyul.     Ayon kay  Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, inaayos na ang paghahanda para sa posibleng muling pagkikita at pagpupulong ng dalawang lider,  pansamantalang itinakda sa […]

  • 26 Chinese militia vessels namataan sa Ayungin Shoal

    IBINUNYAG ng Philippine Coast Guard na mayroong nasa 26 na mga suspected Chinese maritime militia ang muling nakita malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.     Sa inilabas na larawan ng coastguard mula sa Maritime Domain Awareness flight na kinukumpirma ang pagkakaroon ng 26 na suspected Chinese maritime militia at Chinese Coast Guard. […]

  • Number coding ng PUVs suspedido

    SINUSPINDE  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila upang masiguro ang dami ng sasakyan sa pagbubukas ng klase.       “We have agreed to suspend the number coding scheme for public transportation for the school year to pave the way for the […]