
NATANONG namin si Direk Roman S. Perez Jr. kung sinu-sino sa mga artista ng VMX(dating Vivamax) ang nakaaangat ngayon?
“Sa ngayon, ha, yung new breed, malakas yung Christy Imperial, yung cousin ni Meg Imperial,” pahayag ni Direk Roman.
“Malakas yon. Tapos abangan nila yung Aliya Raymundo. Ay! Iba siya! Iba rin siya, iba rin siya.
“Yung Denise! Denise Esteban siyempre. Si Denise Esteban, parang nakakatawid na ngayon.”
Si Denise ay understudy ni Elora Españo sa dulang ‘Anino sa Likod ng Buwan’ na napapanood sa PETA.
“May dalawang horror movies si Denise. At meron siyang ‘Pihit’ sa production namin. Pole dancer naman siya, napakagandang kuwento.
“Saka napakagaling niyang dancer pala. Hindi siya marunong ng pole dancing, natuto! Ang galing niya, napakahusay.
“Ayun, umiikot, nag-e-evolve yung VMX. Napupunta sila sa iba’t ibang sectors.
“Abangan din nila yung Angeli Khang, meron nang GMA show.”
Sa mga lalaki, sino naman ang nangingibabaw para sa kanya?
“Sa mga ngayon siguro, ang nakikita ko, yung nag-aaral, si Victor Relosa. Magaling si VR,” sagot ni Direk Roman.
“Lagi niya akong binibigyan ng bagong akting. Nag-aaral, e. Kasama siya sa stage project na siya yung lead, saka si Denise Esteban.
“Magpo-frontal daw si VR. Willing.”
Sa VMX film na ‘Kabit’ directed by Lawrence Fajardo, naka-prosthetic penis si VR, ganoon din si Josef Elizalde.
“Dito sa stage play, he’s willing to do frontal. Walang problema sa kanya,” kuwento pa ng direktor.
“Meaning ganun siya katapang saka ganun niya pinaghahandaan.”
Ano ba ang dapat gawin ng isang artista sa VMX upang magtagal siya sa industriya?
“Siyempre, yung akting, importante. Saka yung thinking actors. Dapat nag-iisip,” sagot ni Direk Roman.
“Hindi naman puwedeng laging naghuhubad. Hindi ka naman laging maganda ang katawan mo, at guwapo ka. Tumatanda!
“Tumatanda sila. Tumatanda na, walang nangyayari. Sa akin, isa si VR Relosa sa magtatagal.
“Si Gold Aceron, napakahusay.
“Abangan din ninyo yung ginawa namin with Gold Aceron. Ngayon, may stage play siya, yung ‘Para Kay B.’
“Artista ko si Gold sa gagawin kong ‘Kalakal.’ Isasali rin namin sa festival. Napakahusay niya.
“Kasama rin siya sa Lilim. Yun nga, iba rin, nada-divert yung galing ng mga tao talaga.”
Dagdag pa niya, “Sobra! Sobra, napakarami na nila sa VMX. Kaya dapat, galingan mo, e. Pag hindi ka magaling talaga, hindi ka magtatagal.
“Hindi ka makakakuha ng another project. Kung nagloko ka sa isang project, alam mo yun, hindi ka magtatagal.
“Ngayon actually, masusukat natin, e, yung tumatagal. Sila naman yung nalilipat ng ibang platform.
“Nakakatawid ng TV. Nakakatawid ng independent film. Nakakatawid ng pelikula. Nakakatawid ng stage. Nagkakaroon ng ibang platform.”
Wish pa ni Direk Roman…
“Gusto ko sana, makabalik uli si Tito Albert, e. Tito Albert Martinez. Lumabas sa The Housemaid [2021]. Gusto ko siyang bumalik ulit.
“Sana makabalik siya sa isang pang-award na material.”
Gusto rin niyang mag-VMX sina Leandro Baldemor at Cesar Montano.
“Parang homage din sa dati nilang movies. Si Leandro, magpapapayat lang daw siya, sabi niya.
“What if, kunwari, si Kuya Cesar. Hindi naman love scene pero si Kuya Cesar Montano, baka gusto niyang gumawa ng pelikula na pang-award.
“Na may isang love scene na may butt exposure siya, yung mga ganun. Yung di natin inaasahan, gagawin pala nila. Nakakatuwa din,” pagtatapos pa ng mahusay na direktor.
(ROHN ROMULO)