Puring-puri sa online world: Full trailer ng ‘Firefly’ nina ALESSANDRA, nakakapanindig-balahibo
- Published on December 12, 2023
- by @peoplesbalita
‘NAKAKAPANINDIG-BALAHIBO.’
Ganito kung ilarawan ng netizens ang full trailer ng pelikulang ‘Firefly’, ang official entry ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa 2023 MMFF na ipalalabas sa December 25 sa mga sinehan nationwide.
Puring-puri sa online world ang trailer dahil sa magandang cinematography at mga nakapupukaw na eksenang talaga namang punung-puno ng emosyon.
Very catchy rin kasi ang official movie soundtrack na “Alapaap” na kinanta ng bandang Dilaw.
Komento ng isang netizen, “The movie hits differently. Ang interesting ng plot. Grabe rin yung impact nung theme song — ganda ng rendition.”
Confident namang sinabi ng isang netizen na malayo ang mararating ng pelikulang ito, “Ipagpatuloy ninyo ito GMA Pictures at GMA Public Affairs ‘cause Firefly has a potential na makaabot sa international scene.”
Dagdag naman ng isa, “Goosebumps. Naiyak ako bigla. Must see!”
Directed by Zig Dulay, mapapanood sa pelikula ang mga bigating stars gaya nina Alessandra de Rossi, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayoy Aguila, Kokoy de Santos, child star Euwenn Mikaell, at iba pang naglalakihang artista. May special participation din dito si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Mark your calendars, mga Kapuso, at sabay-sabay nating tuklasin ang mundo ng mga alitaptap ngayong Pasko.
***
PUMANAW na ang director ng isa sa kauna-unahang soap drama sa Philippine television na Anna Liza na si Direk Hermenegildo “Gil” Soriano.
Ang anak ni Direk Gil na si Gia Soriano ang nagkumpirma nito noong nakaraang December 6 sa social media.
“Hello, it took me a while to write about this, but my father–Director Hermenegildo “Gil” Soriano–passed away. He wasn’t doing well already back in September, and was in critical condition around October – November. Still, we hope to make his last moments a time for him to be remembered for his contributions to the entertainment industry.”
Naging sikat na TV show sa GMA-7 noong 1980 hanggang 1985 ang Anna Liza na pinagbidahan noon ng award-winning child actress na si Julie Vega. Naging bahagi rin ng naturang shows sina Gloria Romero, Robert Arevalo, Daria Ramirez, Augusto Victa, Alicia Alonzo, Albert Martinez, Rey “PJ” Abellana, Leni Santos, Renato del Prado, Marissa Delgado, Delia Razon at Anita Linda.
Nagkaroon ng remake ang Anna Liza noong 2013 sa ABS-CBN na pinagbidahan nila Andrea Brillantes at Kyline Alcantara. Si Direk Gil din ang nagdirek ng ABS-CBN soap drama na Anna Luna (1989-1994) na bida si Margarita Fuentes at ang noontime variety show ng RPN-9 na Chibugan Na.
(RUEL J. MENDOZA)
-
JENNICA, tinatarayan ang mga bashers na nag-iisip na gumigimik lang sila ALWYN
ANG haba ng paliwanag ni Jennica Garcia sa kanyang Instagram account dahil sa isa o dalawang netizens na kinontra ang post niya. Nag-post kasi si Jennica na tipong isinama siya ng tropa niya, pero parang sa couple’s trip daw pala at siya lang ang walang lovelife. Madali naman talagang mai-imply ng […]
-
Yulo at ibang mga atleta nakatanggap ng dagdag na insentibo
NAKATANGGAP ng dagdag na insentibo si double gold Olympic medalist Carlos Yulo at mga atleta ng bansang sumabak noong Paris Olympics. Nagbigay ng P10-milyon na cash ang grupong International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) dahil sa tagumpay niyia sa men’s artistic gymnastics. Mayroon namang tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Aira Villegas […]
-
Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas
SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen. Sa ulat nina PSSg […]