• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puring-puri siya nina Chanda at Sandy… HERLENE, itinangging nali-late sa taping dahil sa ibang commitments

MABILIS na nagpaliwanag si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol tungkol sa issue na cause of delay daw siya sa taping ng first teleserye niya sa GMA Network, ang “Magandang Dilag.” 

 

 

Inuuna pa raw niya ang iba niyang commitments kaysa taping.

 

 

“Hindi po naman maiwasan ang ganoong bagay, give and take naman po kami sa mga taping schedules at sa iba pang lakad,  Iyon po namang ibang schedules talagang obligasyon din po iyon, pero hindi po ako nali-late sa taping,” paliwanag pa ni Herlene.

 

 

“Pero marami rin pong salamat sa lahat ng nagsusulat sa akin, bad or good po, is still publicity.”

 

 

Pinatunayan naman ng mga seasoned actresses na sina Chanda Romero at Sandy Andolong na wala silang problema kay Herlene.

 

 

Si Chanda, first meeting pa lang daw niya kay Herlene: “kahit wala siyang tulog, kahit pagod na pagod na siya sa mga eksena niya, wala kang maririnig sa kanya, dahil nirerespeto niya ang mga kasama niya sa set.  Kapag na-take 2 nga siya, napapaiyak na siya dahil sa sobrang hiya niya sa kaeksena at sorry siya nang sorry. For that, lalo kong minahal si Herlene.”

 

 

Si Sandy naman pinuri niya ang pagiging marespeto raw ni Herlene at gustong-gusto niya ang pagiging totoo at pagiging honest kung ano ang nararamdaman nito, “hindi siya talaga mahirap mahalin.”

 

 

Sa June 26 na mapapanood ang “Magandang Dilag” na makakasama ni Herlene sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo, Angela Alarcon, at marami pang iba.

 

 

Sa direksyon ni Don Michael Perez, mapapanood ito 3:25p.m. sa GMA Afternoon Prime, papalitan nila ang “AraBella” na nasa finale week na ngayon.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Halos 400 million na mga bata sa buong mundo, dumaranas ng maranas na pagdidisiplina – UNICEF

    Dumaranas umano ng marahas na pagdidisiplina sa kanilang mga tahanan ang halos 400 milyong mga bata sa buong mundo, batay sa isinagawang pag-aaral ng UN Children’s Fund (UNICEF).         Ang mga naturang bata ay may edad 5 pababa kung saan natukoy na dumaranas sila ng pangmamaltrato, physical at psychological discipline katulad ng […]

  • Kailangang i-confine para sa medical assessment: KRIS, humihingi ng matinding panalangin para sa kanya at kay BIMBY

    SA Instagram official fanpage account na @KrisAquinoWorld, nag-post ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa in-upload na litrato nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste, kasama rin sina Joshua at Bimby, nang dalawin sila sa Amerika.     Mukhang hindi na-inform si Kris na ia-upload ito sa social media, pero na-appreciate […]

  • Ads October 28, 2020