• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD

NASABAT  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong puslit na sigarilyo sa katubigang sakop ng barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu.

Ayon sa ulat ng PCG, nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG nang maharang ang motor  na ML FAIDA  sakay ang siyam nitong tripulante.

Dahil wala ang kanilang kapitan at wala silang safety certificate na iniisyu ng PCG sa kabila na may sakay itong 39 master cases ng puslit na sigarilyo kaya agad itong ininspeksyon ng coastal security patrol team na nakipag-ugnayan naman sa PCG Station sa Sulu bago dalhin sa Port of Julu ang nasabing bangka.

Sa Port of Julu, dumating din ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)  para sa inventory at tamang disposisyon ng mga smuggled goods.

Patuloy ang pagsisikap ng PCG at BOC sa mga border  upang mapighilan ang mga smuggling, customs fraud, human trafficking at iba pang illegal na aktibidad sa mga baybaying sakop ng Pilipinas. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Kaya sa ‘Pinas na lang sila magho-Holy Week: MICHAEL V., takot na maging biktima uli ng hold-up

    MAY dahilan si Michael V. kung bakit mas gusto raw niyang sa Pilipinas na lang sila mag-spend ng Holy Week ng kanyang pamilya.     Ayon sa Kapuso comedian, takot daw siyang maging biktima ng hold-up ulit.     Hindi naman tinukoy ni Bitoy kung saan naganap ang pangho-hold-up sa kanya, pero nangyari daw iyon […]

  • 2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN

    DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal […]

  • Mahigit 200 Pinoy, balik-Pinas mula Macau

    MAHIGIT sa 200 Overseas Filipino sa Macau ang kamakailan lamang ay nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.     Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Consulate General sa Macau, may 203 Filipino ang dumating sa bansa noong Pebrero 16.     Kabilang sa mga pinauwi ang […]