PUSLIT NA SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong puslit na sigarilyo sa katubigang sakop ng barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu.
Ayon sa ulat ng PCG, nagsasagawa ng coastal security patrol ang PCG nang maharang ang motor na ML FAIDA sakay ang siyam nitong tripulante.
Dahil wala ang kanilang kapitan at wala silang safety certificate na iniisyu ng PCG sa kabila na may sakay itong 39 master cases ng puslit na sigarilyo kaya agad itong ininspeksyon ng coastal security patrol team na nakipag-ugnayan naman sa PCG Station sa Sulu bago dalhin sa Port of Julu ang nasabing bangka.
Sa Port of Julu, dumating din ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) para sa inventory at tamang disposisyon ng mga smuggled goods.
Patuloy ang pagsisikap ng PCG at BOC sa mga border upang mapighilan ang mga smuggling, customs fraud, human trafficking at iba pang illegal na aktibidad sa mga baybaying sakop ng Pilipinas. (GENE ADSUARA )
-
RABIYA, nangangalampag na sa pageant fans na iboto para sure na sa Top 21 ng ‘69th Miss Universe’
NANGANGALAMPAG si Miss Univese Philippines Rabiya Mateo sa maraming pageant fans na bigyan siya ng boto para makasama siya sa Top 21 ng Miss Universe beauty pageant. Post ni Rabiya sa Instagram: “Be your own legend. Build your own empire. Please vote for me and help me get into the top 21 of […]
-
Sa bonggang back-to-back episodes ng #SuperAte: Sen. IMEE, ipasisilip ang mga natunghayan sa pagbisita sa French capital
DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang mga vlog followers sa isang Parisian adventure ngayong weekend sa super back-to-back episodes na kung saan ipasisilip niya ang katatapos lang na pagbisita niya sa French capital. Una, binisita ni Sen. Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa mga greatest thinkers at artists […]
-
Ekonomiya ng Phl lumago ng 7.1% sa Q3 ng 2021
Bahagyang lumago ulit ang ekonomiya ng Pilipinas para sa third quarter ng 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Pero ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, mas mabagal ang paglago ng ekonomiya noong third quarter ng kasalukuyang taon kumpara sa naunang period. Ito ay dahil na rin sa reimposition ng […]