• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUWERSA NG MPD, HANDA NA SA COC FILING

KASADO na ang puwersa ng Manila Police District (MPD) para sa filing ng certificate of candidacy na magsisimula bukas Oct.1.

 

 

Halos 400 pulis ang naka-standby para ideploy sa walong araw na filing ng COC ayon kay MPD Director Brog.Gen.Leo Francisco.

 

 

Ayon naman kay Police Capt. Philipp Ines, ang tagapagsalita ng MPD, kailangang matiyak ang seguridad at kaligtasan, sa panahon ng COC filing, na magiging kaiba ito dahil may banta ng COVID-19.

 

 

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang MPD sa Pasay City Police para sa pagbabantay sa paligid ng Sofitel Philippine Plaza Manila na lugar ng paghahain ng COCs ng mga aspiring candidate sa pagkapresidente, bise presidente at senador.

 

 

Nakapagsagawa na rin aniya ng ocular inspection ang MPD sa mga lugar na kanilang posibleng pwestuhan at bantayan.

 

 

Bukod sa paligid ng Sofitel, tututukan din ng MPD ang iba pang field office ng Comelec kung saan maghahain ng COC ang mga lokal na kandidato.

Other News
  • Alex, na-bash nang husto dahil sa ginawang ‘tiktok pandesal’; nag-react sina Mikee at Toni

    ANG daming namba–bash kay Alex Gonzaga dahil sa ‘tiktok pandesal’ niya.   Nandiyang comment ng mga netizens, “very consistent, baduy, annoying.”   “Hindi nga talaga maganda… 🙁 ako nahiya sa BF nya”   “Marami talaga siyang panget or off na ginagawa at sinasabi. Sana matuto si Alex na makinig sa feedback.”   Dagdag pa na […]

  • ‘Laptop anomaly’ sa DepEd, ‘di palalagpasin

    HINDI  palalagpasin ng Senado ang umano’y overpriced na mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd) bunsod para maghain na ng resolusyon na nananawagan sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.     Sa Proposed Senate Resolution No. 134, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na may kagyat na pangangailangan […]

  • Fuel subsidy para sa mga magsasaka, mangingisda maaaring ipalabas na

    MAAARING ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda sa huling linggo ng Marso o unang bahagi ng Abril.     Sinabi ni Agricuture Assistant Secretary Noel Reyes, ang 162,000 corn farmers at fishers ang makikinabang mula sa ₱500-million subsidy. Ang bawat benepisaryo ay makatatanggap ng ₱ 3,000 […]