PVL bubble training sa Subic o Clark
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
Isa sa Subic at Clark sa Pampanga ang tinitingnan ng Premier Volleyball League (PVL) na pagdarausan ng ‘bubble’ training ng mga koponan bilang paghahanda sa kanilang Open Conference.
Ito ay dahil sa kasalukuyang ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus nkaya hindi makapag-ensayo ang mga PVL teams.
Sakaling matuloy ang kanilang plano ay sinabi ni PVL president Ricky Palou na dapat sundin ng mga koponan ang health and safety protocols sa nasabing mga venue sa Pampanga.
Pinapayagan ang team practices sa mga venues na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ).
Dahil sa pandemya, napilitan ang PVL na iurong ang kanilang maiden professional season sa Hunyo o Hulyo na lalahukan ng Creamline, Petro Gazz, Perlas Spikers, Choco Mucho, Bali Pure, Unlimited Athletes Club, Army, PLDT Fibr, Cignal, F2 Logistics, Chery Tiggo at Sta. Lucia Realty.
-
San Roque Elementary School
PINANGUNAHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang groundbreaking ng itatayong karagdagang apat na school buildings, ang San Roque Elementary School, San Rafael Village Elementary School, at Kaunlaran High School ay may four-storey building bawat isa na may walong mga classrooms habang ang Dagat-dagatan Elementary School ay may apat na four-storey building na may […]
-
Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas
Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine. Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School. “We did a […]
-
Brittney Griner muling maglalaro sa WNBA matapos na makalaya sa pagkakakulong
Magbabalik pa rin para maglaro sa WNBA ngayong season si Brittney Griner matapos ang pagkalaya nito mula sa pagkakakulong sa Russia. Sinabi nito na kinuha pa rin siya ng kaniyang dating koponan niyang Phoenix Mercury. Pinasalamatan nito ang kaniyang mga koponan at management dahil sa pagtanggap sa kaniya. Magugunitang naaresto noong Pebrero […]