Pwedeng maging responsableng gamer sa DigiPlus
- Published on February 24, 2024
- by @peoplesbalita
PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGame, ang tawag para sa responsableng mga gawi sa gaming, sa gitna ng pag-iimbita nito sa mga costumer na sumali sa kapana-panabik nitong mga handog.
Bilang pinakamabilis na grupo ng digital entertainment sa bansa, hatid ng DigiPlus ang walang humpay na saya at laro, subalit kung may kasamang pera, alam nitong kailangan ng lebel ng kontrol sa sarili upang makamit ang pinakapositibong karanasan sa paglalaro.
Ayon sa Association of Certified Gaming Compliance Specialists (ACGCS), “Responsible gaming is the practice of gambling in a way that minimizes the potential negative effects that it can have on individuals and society.” Sang-ayon dito si Andy Tsui, Presidente ng DigiPlus, at ayon sa kaniya, isa sa mga pundasyon ng kanilang negosyo ang responsableng paglalaro.
“DigiPlus works to ensure that the necessary and vital regulations PAGCOR sets for gaming companies in the Philippines are strictly observed.” Gayunpaman, hangad ni Tsui na marunong din ang mga customer ng DigiPlus pagdating sa pagiging responsable sa kanilang paglalaro, sa paraang dama pa rin ang ang aliw at saya sa kanilang mga nilalaro.
May ilang mga paraan para mapanatili ang malusog at positibong relasyon sa paglalaro. Narito ang ilang mga tip na hango sa mga payong bigay ng Responsible Gaming Council (RGC):
Magtakda ng limitasyon. Kung naglalaro, magtakda ng limitasyon sa dalawang bagay: budget at oras. Bago maglaro, magsimula na mayroong istriktong budget.
Huwag itaya ang perang hindi mo kayang mawala sa iyo, at huwag ding mangutang para lamang sa paglalaro. Kasabay nito, ang pagdedesisyon ng malinaw na oras at iskedyul para sa mga sesyon ng paglalaro ay makatutulong upang maiwasan ang sobra-sobrang paglaan ng panahon dito.
Maglaro ayon sa iyong makakaya upang hindi nito punan ang malaking espasyo ng iyong buhay. Maglaro lamang nang may malinaw na isip. Bantayan ang iyong mental at pisikal na estado bago magsimula sa paglalaro. Huwag sumugal kung malungkot o may nararamdamang stress dahil maaapektuhan nito ang iyong pagdedesisyon.
Limitahan din ang pag-inom ng alak kapag naglalaro. Panatilihing kalmado at malinaw ang isip sa lahat ng pagkakataon. Nakatutulong din ang pagpapahinga. Lumayo sa gaming table o phone kung minsan, at gumalaw-galaw bago bumalik sa paglalaro.
Huwag ‘habulin’ ang iyong mga pagkatalo. Palaging lumahok sa mga laro na handang mawala sa iyo ang pera na itataya. Ang mga laro sa mga DigiPlus at sa BingoPlus, ArenaPlus, at PeryaGames apps ay nakataya sa tsansa, kaya walang garantiya na maibabalik ang iyong mga bayad. Iwasan ang tinatawag na “sunken cost syndrome” kung saan hindi tumitigil sa pagsubok na makakuha ng positibong resulta, lalo’t dulot lamang nito ang paglalabas ng maraming pag-aari sa iisang layunin.
Maging disiplinado sa iyong budget at handa na tanggapin ang mga natalo at nawala. Umaasa si Andy Tsui na kung seseryosohin ng mga customer ng DigiPlus ang mga gabay na ito, magiging positibo ang kanilang karanasan sa paglalaro. “DigiPlus endeavors to strictly implement PAGCOR-approved regulations and guidelines as customers use our gaming facilities. This way we are confident that we can create safe spaces for them to have fun and enjoyment at all times.” (Rohn Romulo)
-
QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras
ISANG order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras. Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]
-
PBA legend Robert Jaworski patuloy ang paggaling
Patuloy ang ginagawang pagpapagaling ni PBA legend Robert “Sonny” Jaworski matapos na dapuan ng pneumonia noong nakaraang taon. Sinabi ng kaniyang anak na si Robert “Dodot” Jaworski Jr., nagkaroon ng rare blood disorder ang ama na nagdulot ng paglutang ng iba niyang sakit. Dagdag pa nito, maganda na rin ang lagay […]
-
PBBM, nais na nakatutok sa gov’t response sa mga flood-hit victims
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang “very focused” na pagtugon ng pamahalaan at aid distribution sa mga apektado ng Super Typhoon Carina-malakas na Habagat. Inihayag ng Pangulo ang nasabing direktiba sa isang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Hulyo 25 bago pa nagsagawa ng pag-inspeksyon sa mga apektadong lugar sa […]