QC gov’t, naghigpit lalo sa pagpapatupad health protocols
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
Nagdoble ng paghihigpit ang Quezon City government sa pagpapatupad ng health protocols matapos na manguna sila sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Mayroon pa kasing halos 900 na aktibong kaso ang naitala sa lungsod at mahigit 742 na ang nasawi habang ang recoveries ay mayroong halos 25,000.
Sa kabuuang kaso aniya ay mayroong mahigit 26,400 dahil sa COVID-19.
Dahil sa naturang bilang ay nagpakalat ang QC government ng mga marshall para tuluyang sitahin ang mga hindi sumusunod sa minimum health protocols.
Naglunsad na rin sila ng kampanya sa bawat barangay para ipapaalala ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask, social distancing at ganon din ang paghuhugas ng kamay.
Pinaalalahan din ng city government ang mga establisyemento na huwag kalimutan na maglagay ng contact tracing forms. (ARA ROMERO)
-
CAMPAIGN POSTER PAPAYAGAN SA PRIBADONG LUGAR
PAHIHINTULUTAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga ilegal na campaign posters na manatili sa mga pribadong pag-aari, ngunit ang mga may-ari ay kailangang harapin ang kaso para sa election offense. Ito ang paliwanag ng Comelec sa gitna ng reklamo mula sa kampo ng mga kandidato at kanilang supporters kaugnay sa Oplan Baklas. […]
-
Tiger Woods magbabalik na sa paglalaro ng golf matapos ang aksidente
Naghahanda na si Tiger Woods sa paglalaro nito ng golf. Ito ay matapos ang halos 10 buwan mula ng maaksidente ito. Pumirma na ito kasi para sa maglaro sa PNC Championship kasama ang anak. Gaganapin ang torneo sa Florida sa Disyembre 16. Bagamat hind ito katulad ng […]
-
PBBM inaprubahan ang boluntaryong face masks sa outdoor areas
EPEKTIBO na sa ngayon ang “optional” na paggamit ng face masks laban sa COVID-19 outdoors sa mga hindi siksikan na lugar, matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Lunes, sa […]