QC LGU, nagpaalala sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus
- Published on December 4, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPAALALA ang Quezon City Local Government sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus.
Ito ay kasunod ng ginagawang pagbabantay ng Department of Health sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness matapos i-anunsyo ng PAGASA ang pagpasok ng amihan sa bansa.
Ayon sa QC LGU, ang flu na dulot ng influenza virus na nakakaapekto sa ilong, lalamunan at baga na maaring magdulot ng mild hangang sa malubhang karamdaman ay nakakahawang sakit.
Sakaling hindi umano agad maagapan, posibleng ikamatay ng isang tao na nadapuan ng flu virus.
Dahil dito’y pinapayuhan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente sa lungsod na alamin ang mga sintomas ng flu virus at kung paano ito maiiwasan.
Aniya, ang sinumang makaranas ng mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, sakit ng ulo, sipon, pamamaga o pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagtatae at pagsusuka agad magpakonsulta sa doctor.
Iwasto ang pag-inom ng gamot na ibinigay ng doctor, manatili sa bahay at magkaroon ng sapat na pahinga, uminom ng wastong dami ng tubig upang maiwasan ang dehydration at ugaliin ang wastong paghuhugas ng kamay. (PAUL JOHN REYES)
-
Marami ang kinikilig dahil visible na naman sa mga social media: Sen. CHIZ at HEART, dinaig pa ang ibang loveteams
DAIG pa talaga ng mag-asawang sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista ang ibang mga loveteams ngayon. Since naging sila, talagang sinubaybayan na ng mga netizens ang kanilang love story. Ang daming invested sa relasyon nila, lalo na at alam kung paano pinaglaban ng dalawa ang kanilang relasyon na nauwi sa kasalan. […]
-
Trabaho lang daw at walang personalan: SHARON, inunahan na ang natawa sa title ng upcoming TV series na pang-Hollywood
MARAMI ang natuwa, nagulat at napa-wow nang I-post ni Megastar Sharon Cuneta ang title ng upcoming international project niya na ‘CONCEPCION: A Crime Family Drama. Caption ni Mega: “(Sige magtawa kayo sa title! Eh wala ganon talaga eh. Trabaho lang walang personalan!) “Just please read the article. Just might be my surprise #1 for […]
-
PBBM itinanggi ang alegasyon na nais idawit ang Senador, FPRRD at 2 iba pa sa POGO ops
Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyon ni dating PNP chief at kasalukuyang Senator Ronald Dela Rosa laban sa kasalukuyang administrasyon na umano’y tinatangkang idawit ang Senador kasama sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go at dating Criminal Investigation Detection Group chief Lt. Gen. Gerald Caramat na nasa likod ng ilegal na POGOs […]