QC MAYOR JOY, POSITIBO SA COVID-19
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
Sa Facebook post ng Quezon City Government kahapon, July 8 ay nagbigay ng pahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte ukol sa resulta ng kanyang Covid-19 test. Narito ang kanyang nagging pahayag.
“Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan. Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang anumang sintomas. Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng quarantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na din po ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang contact tracing procedures.
Bukod dito, isinara din pansamantala ang aking tanggapan para ma-disinfect ito kasama ang common areas ng City Hall.
Dahil sa pagdalaw sa ating mga health center at ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad upang alamin ang kanilang mga pangangailangan, sa simula pa lang, batid na naming posibleng mangyari ito. Pero hindi ko po ito pinagsisisihan. Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap.
Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing. Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan.
Makasisiguro po kayo na patuloy ang serbisyo at gawain ng inyong lokal na pamahalaan sa kabila ng aking pag-quarantine. Bagama’t limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City.
Maraming salamat po, at asahan ninyong sa aking paggaling, muli po ninyo akong makakasama upang personal po akong makapaglingkod sa inyo.”
-
Ads October 22, 2022
-
Badminton tournament sa Hong Kong muling kinansela sa ikatlong pagkakataon
KINANSELA ng Badminton World Federation (BWF) ang kanilang nalalapit na Hong Kong Open tournament dahil pa rin sa banta ng COVID-19. Ang nasabing torneo na gaganapin sa Nobyembre ay siyang pangatlong pagkakataon na ito ay ang kinansela. Ang Super 500 tournament ay gaganapin sa Kowloon mula Nobyembre 8-13. Ayon […]
-
Masamang-masama ang loob lalo na kay Jojo: NIÑO, emosyonal nang humarap sa hearing ng Senate committee
NAGING emosyonal si Niño Muhlach dahil sa sobrang sama ng loob nang humarap siya sa hearing ng Senate committee on public information and mass media kahapon. Pinangunahan ito ni Sen. Robin Padilla, present din sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla. Ipinakita ng dating child actor ang matinding […]