• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC nasa state of calamity

ISINAILALIM na ang Quezon City sa State of Calamity sa kalagitnaan ng Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Sa isang public address, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na “it has to be done” para magamit ng siyudad ang quick response funds nito na makatutulong sa pagtugon sa health crisis.

“The president has himself declared a state of public emergency and this gives us enough basis to declare a state of calamity here in our city,” ani Belmonte.

“Sa laki at lawak ng lungsod kinakailangan po talaga ng suporta ng 142 barangays, if we are to successfully conquer this disease and if we are to successfully carry out our mandate,” ayon pa sa alkalde.

Sa ngayon ay mayroon ng 6 na kumpirmadong kaso sa Quezon City ayon sa kumpirmasyon ni Mayor Belmonte. Nasa 52 katao naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa DOH. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers

    MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.   Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.   “Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine […]

  • Coronation night ng Miss Universe PH 2021 sa September 25, hindi matutuloy; YBONNE ORTEGA, COVID-positive kaya 28 na lang ang candidates

    HINDI matutuloy sa September 25 ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.     Sa kanilang Facebook page, hinihintay na lang daw ng MUP organization ang final approval mula sa IATF para maging maayos ang ligtas ang pag-stage ng kanilang coronation night.     “Let’s do this, Universe! Frontrow presents Miss Universe Philippines 2021 […]

  • Higit 70K trabaho, maaaring aplayan sa job fairs sa Araw ng Kalayaan, June 12 – DOLE

    NASA mahigit 70,000 trabaho ang maaaring aplayan sa isasagawang job fairs sa iba’t ibang parte ng bansa sa mismong araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.     Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment (BLE) director Patrick Patriwirawan Jr., magsasagawa ng job fair ang pamahalaan sa 48 sites kasabay ng […]