• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras

Isang order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras.

 

 

 

Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private terminals kahit na anong oras.

 

 

 

“An order was released last April 27 by the Quezon City Regional Court Branch 223 that allows provincial buses to ferry passengers to private terminals any time” wika ni Alex Yague ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas.

 

 

 

Dahil sa desiyon ng korte, ang mga buses ay hindi na kailangan na gumamit ng integrated terminals tulad ng PITX, NLET at Sta Rosa Integrated Terminal.

 

 

 

“The court affirmed Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution 164, which invalidates the previous order that provincial buses are required to use integrated terminals in areas under Alert Level 1,” dagdag ni Yague.

 

 

 

Ang nasabing desiyon ay magdudulot ng pagkabalam sa pinatutupad na window hour scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Sa window hour scheme ng MMDA, ang mga provincial buses ay maaaring gumamit ng kanilang private terminals mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Kapag lumipas na ang window hour, ang mga provincial buses ay kinakailangan ng gumamit ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), North Luzon Express Terminal (NLET) at Sta. Rosa Integrated Terminal.

 

 

 

Kung kaya’t ang mga pasaherong pupuntang mga probinsiya na hindi na window hours ay kinkailangan na sumakay muna sa mga city buses na papunta sa mga sinasabing terminals.

 

 

 

“Beyond the window hours, their origin and destination must be at the designated integrated terminal, where there are city buses that will ferry the passengers,” saad ng MMDA.

 

 

 

Umaasa si Yague na ang MMDA at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nakatangap ng nasabing order upang kanilang ipatupad na. Hiningan ng kuminto ang LTFRB subalit wala pa itong sinasabi.

 

 

 

Noong nakaraang linggo, ang Department of Transportation (DOTr), LTFRB at MMDA ay nagkasundo na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng window hour scheme na ayon sa kanila ay patuloy na hindi tinutupad ng mga provincial bus operators.

 

 

 

Nagbigay din noong nakaraang buwan ang LTFRB ng show-cause order sa mga provincial bus companies na hindi nagpadala ng mga fleets ng buses upang magsakay ng mga pasahero mula at palabas ng Metro Manila outside ng window hours na pinatutupad ng MMDA. LASACMAR 

Other News
  • Ads July 8, 2023

  • Pinas, pag-aaralan ang pagbili ng bagong bakuna laban sa Covid variants

    PAG-AARALAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na bumili ng bagong uri ng  coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines laban sa  Omicron coronavirus subvariants.     Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay dahil na rin sa ulat na nananatili pa ring problema ang presensiya ng  Omicron subvariants na kailangan na tugunan.     […]

  • 3 drug suspects tiklo sa P550K shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa […]