• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QCitizen ID na gagamitin sa COVID-19 vaccine, inilunsad sa Quezon City

Magkakaroon na ng nag-iisang ID sa Quezon City na gagamitin sa ibat-ibang mga transaksyon sa lungsod kasama na ang COVID vaccine, QC bus, health at iba pang social services.

 

Ito ay makaraang ilunsad kahapon ni Mayor Joy Belmonte ang online registration para sa QCitizen ID para sa lahat ng residente sa lungsod.

 

Ang QCitizen ID ay isang unified ID na ipapalit sa kasaluku­yang senior citizen, solo parent, at persons with disability (PWD) ID na ginagamit sa nagdaang mga taon.

 

Magkakaloob din ito ng mas mahusay at mabilis na serbisyo sa mga taga-lungsod .

 

Ang naturang ID ay gagamitin para madetermina ang priority list para sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine.

 

Magkakaloob din ito ng mas mahusay at mabilis na serbisyo sa mga taga-lungsod .

 

Ang naturang ID ay gagamitin para madetermina ang priority list para sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine.

 

Sinabi ni Belmonte na ang mga interesado ay kailangan munang gumawa ng account para sa city government’s E-Services portal bago makapag-aplay para sa QCitizen ID.

 

Sa mga walang internet access, ang lokal na pamahalaan ay magsasagawa ng in-person, on-the-ground registration drive sa mga barangay sa darating na mga linggo.

 

Ang isang residente ay dapat gumamit ng single QC E-Services account para mairegister sa multiple QCitizen IDs. Hindi ito maaaring magamit ng sinumang kaanak o kapamilya para mairehistro ang kanilang mga magulang at kaanak dahil ang bawat isa ay kailangang magparehistro ng hiwa-hiwalay

 

Ayon kay Mayor Belmonte, ang ground registration para dito ay gagawin sa Barangay Central sa January 15.

 

“The registration will give importance to those who are on the priority list for the COVID-19 vaccine – senior citizens, PWDs, indigents, solo parents, and frontliners,” pahayag ni Belmonte. (ARA ROMERO)

Other News
  • Informal settlers na tatamaan ng ruta ng railway project, tutulungan ng gobyerno

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng gobyerno ang mga informal settlers na maaapektuhan nang pagtatayo South Commuter Railway Project (SCRP) sa ilalim ng North-South Commuter Railway (NSCR) System.     Aminado ang Pangulo na may mga maaapektuhan sa pagtatayo ng malalaking proyekto tulad ng SCRP.     “We must also recognize the […]

  • Ads June 12, 2021

  • 5 nalambat sa drug buy-bust sa Malabon

    SA kulungan ang bagsak ng limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon city.     Ayon kay Malabon police deputy chief PLTCOL Aldrin Thompson, dakong alas-7:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]