• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quad Comm leaders itinanggi alegasyon pinilit ang isang PNP official na mag-testimonya vs war on drugs ni ex-PRRD

IBINASURA ng mga lider ng House Quad Comm na “kasinungalingan” ang mga alegasyon na pinilit nila ang isang opisyal ng pulisya na suportahan ang testimonya kaugnay sa kontrobersyal na reward system sa brutal na war on drugs ng administrasyong Duterte.

 

 

 

Sinabi ni Police Col. Hector Grijaldo sa isang panel ng Senado na “pinilit” siya ng mga co-chair ng Quad Committee na sina Rep. Dan Fernandez at Bienvenido “Benny” Abante Jr. noong Oktubre 22 na pumirma umano sa isang affidavit at suportahan ang testimonya ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa diumano’y mga insentibo sa anti-drug operations.

 

 

Sa pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, na dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni Grijaldo na naramdaman niyang “corrupted to make that statement” sa ilalim ng pressure mula sa mga mambabatas.

 

 

Mariing pinabulaanan ni Fernandez, chair ng House Committee on Public Order and Safety, ang pahayag ni Grijaldo, na inilarawan ito bilang “lies of the highest level” at bilang isang pagtatangka na pahinain ang patuloy na imbestigasyon ng mega-panel sa umano’y extrajudicial killings noong kampanya kontra droga ni Duterte.

 

 

Iginiit niya na hindi pinilit ng komite si Grijaldo na suportahan ang anumang mga pahayag at ang pagtatanong ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na humingi ng hustisya para sa libu-libong buhay na nawala sa digmaang droga ni Duterte.

 

 

Mariin din kinontra ni Manila’s 6th District Rep. Bienvenido Abante ang pahayag ni Grijaldo.

 

 

Kasunod ng testimonya ni Grijaldo inihayag ni ex PRRD na magsampa siya ng “subornation of perjury” case laban kay Rep. Fernandez.

 

 

Sabi naman ni Fernandez “carry on” hindi siya matitinag na ipursige ang katotohanan laban sa mga nangyaring patayan. (Vina de Guzman)

Other News
  • PBBM, biyaheng Japan sa kalagitnaan ng Pebrero

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na  byaheng Japan siya sa pangalawang linggo ng Pebrero para sa  state visit.     “I think the tentative date is around the second week of February, right now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.     Aniya, kaagad niyang tinanggap ang imbitasyon na bumisita sa Japan nang […]

  • LALAKING NATUTULOG SA CENTER ISLAND PISAK SA TRACTOR HEAD

    TULUYAN nang hindi nagising ang isang lalaki na natutulog sa center island ng kalsada nang nagulungan ng isang tractor head  matapos na nawalan ng kontrol sa kanyang manibela ang driver sa Binondo, Manila kahapon ng madaling araw.     Nakasuot ng kulay blue na T-shirt at maong short  ang di pa nakikilalang lalaki at umano’y […]

  • Baha dulot ng Ulysses, iimbestigahan ng Kamara

    Pinaiimbestigahan ng Kamara, bilang ayuda sa lehislasyon, ang dahilan ng malawakang pagbaha na nagpalubog sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses.   Inihain nina Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, kasama si Minority Leader Joseph Stephen Paduano, ang House Resolution 1348 na nag-aatas sa kaukulang komite na agad na […]