Quarantine facilities kailangang mag- provide ng isolation rooms
- Published on January 17, 2022
- by @peoplesbalita
BINIGYAN ng mandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang COVID-19 quarantine facilities sa bansa na mag- provide ng isolation rooms.
Sinabi ni Acting presidential spokesperson t Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang nasabing hakbang ay nakasaad sa ilalim ng IATF Resolution 157.
“The recommendation of the DOT [Department of Tourism] for hotels used as quarantine facilities to be likewise used as isolation facilities is adopted, subject to specific protocols that may be issued by the BOQ-DOH (Bureau of Quarantine-Department of Health),” ayon sa IATF resolution.
“This was done so that individuals who tested positive for COVID-19 while in quarantine will be easily isolated rather than traveling to another facility,” dagdag na pahayag ni Nograles.
Nauna rito, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac na ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay nagresulta sa RT-PCR COVID 19 test laboratories para dagsain ng mga specimens na naghihintay na ma-proseso at ang pagkaantala ng turnaround time para sa pagpapalabas ng test results.
“So parang may domino effect itong ano eh, ‘yung dami ng mga nagpapa-test ngayon. Hindi lamang sa mga umaalis kundi pati sa nanunumbalik,”ayon Kay OWWA Administrator Hans Cacdac.
Sa kabilang dako, tuluyan nang inalis ng Pilipinas ang mandatory quarantine para sa mga fully vaccinated travelers mula Green List countries o areas na may low risk of COVID-19 infection, Iyon nga lamang, kailangan na mag-presenta ang mga Ito ng negatibong RT-PCR test na ginawa 48 hours bago ang departure sa bansa kung saan sila nagmula at kailangan na mag- self-monitor para sa kahit na anumang sign o sintomas sa loob ng pitong araw kung saan ang unang araw ay ang petsa ng kanilang pagdating.
Ang listahan ng Green List countries mula Enero 16 hanggang 31 gaya ng nakasaad sa IATF Resolution 157-B ay kinabibilangan ng:
Bangladesh
British Virgin Islands
Djibouti
The Gambia
Hong Kong
Japan
Montserrat
Oman
Saba (Special Municipality of The Kingdom of the Netherlands)
Sierra Leone
Timor Leste
Benin
China
Equatorial Guinea
Ghana
India
Kosovo
Morocco
Pakistan
Saint Barthelemy
Sint Eustatius
Uganda
Bhutan
Cote d Ivoire
Falkland Islands (Malvinas)
Guinea
Indonesia
Kyrgyzstan
Niger
Paraguay
Senegal, and
Taiwan
Samantala, nakapagtala naman ang Pilipinas ng 34,021 bagong COVID-19 cases sa isang araw, itinuturing na pinakamataas simula nang magsimula ang pandemiya na tumama sa bansa noong Marso 2020. (Daris Jose)
-
Palaban sa mga sexy scenes kaya maraming views: ANGELI, isa sa itinuturing na ‘superstar’ sa digital platform na Vivamax
SI Angeli Khang ay isa sa itinuturing na superstar sa digital platform na Vivamax. Most of her movies sa Vivamax ay maraming views. Wala rin naman kasing kaba itong si Angeli pagdating sa hubaran, tulad ng latest movie nya titled Pusoy. Kumbaga sa larong Pusoy, laging bwenas sa si Angeli sa […]
-
HEART, inanunsyo ang magiging art collab nila ng BRANDON BOYD
INANUNSYO ni Heart Evangelista ang magiging art collab niya with Incubus frontman, Brandon Boyd. Sa kanyang tweet, pinakita ni Heart ang screenshot ng video call niya with Brandon Boyd, at ng art manager nitong sina Jen DiSisto at Pietro. Caption ni Heart: “Morning meetings with Jen, pietro and #brandonboyed for our little art project SOON.” […]
-
Rockets star player Westbrook balik ensayo na matapos gumaling na sa COVID-19
Labis ang pasasalamat ni Houston Rockets point guard Russell Westbrook dahil sa nakasama na siya sa ensayo ng koponan. Ito ay matapos na makakuha ng clearance na maglaro ng magpositibo ito sa coronavirus noong nakaraang mga linggo. Sinabi nito na nanatili lamang ito sa loob ng bahay ng ilang linggo. Sinabi naman […]