• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Quarantine sa mga fully vaccinated na travelers na dumarating sa PH hindi na mandatory’

Inanunsiyo ngayon ng Malacañang ang mas pagluluwag pa sa mga fully vaccinated na mga Filipinos at foreign nationals na dumarating sa bansa at nagmula sa tinaguriang green countries.

 

 

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque ang mga biyahero mula sa “countries o territories” na nabibilang sa mga low risk sa COVID-19 ay hindi na sasailalim sa quarantine pagdating Pilipinas simula sa Oct. 14.

 

 

Gayunman kinakailangan daw ang pagpresenta ng negative RT-PCR test na kinuha sa loob ng 72 oras bago ang pagdating sa Pilipinas.

 

 

Nilinaw naman ni Roque na doon sa mga fully vaccinated Filipinos pwede naman sila kumuha ng RT-PCR test sa quarantine facility sa pagdating nila sa bansa hanggang sa lumabas ang negatibong resulta.

 

 

Sa kabila ng pagluluwag hinihikayat ng gobyerno ang mga fully vaccinated travelers mula sa abroad na mag-self monitor pa rin sa mga symptoms hanggang sa 14th day.

 

 

Sa ilalim kasi ng polisiya ng IAF ang mga fully vaccinated mula sa mga low-risk countries o territories ay inaabisuhan na kumpletuhin ang 10 araw na quarantine matapos ang pagdating sa bansa. (Gene Adsuara)

Other News
  • DILG, LLP umapela sa Senado na ibalik ang tinapyas na P28.1-B BDP fund

    KAPWA umapela sa Senado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces of the Philippines (LPP) na ibalik ang tinapyas na P28.1 bilyong pondo ng Barangay Development Program (BDP) para sa New People’s Army (NPA)-cleared barangays na ipinanukala ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022 […]

  • Bashing sa young actress, lumala pa dahil sa interview kay Boy: POKWANG, ‘di na sumagot sa sinabi ni ELLA na nasaktan sa kanyang naging comment

    HINDI na sumagot si Pokwang sa sinabi ni Ella Cruz na nasaktan siya sa comment ni Pokwang tungkol sa “history is tsismis.”     Parang anak kasi ang turing ni Pokwang kay Ella kaya nag-comment sa pinag-uusapan sagot ni Ella.     Matinding bashing ang natanggap ni Ella sa mga netizens dahil sa kanyang statement. […]

  • Knockout asam ni Jerusalem

    NATUPAD na ang pa­nga­rap ni Filipino world bo­xing champion Melvin Je­rusalem na lumaban sa harap ng kanyang mga ka­­babayan.       Ang kulang na lamang ay ang kanyang panalo.   Idedepensa ni Jerusa­lem ang suot niyang World Boxing Council (WBC) mi­nimumweight crown laban kay Mexican mandatory challenger Luis Angel Castillo sa Manny Pacquiao Presents: […]