• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quarantine violators mahaharap sa civil, criminal charges- Malakanyang

PAPATAWAN ng pamahalaan ng kaparusahan ang mga quarantine violators at ipapataw ang “fullest extent of the law.”

 

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay matapos na laktawan ng Filipino traveler mula Estados Unidos ang sumailalim sa isolation para lamang makadalo sa isang party.

 

Ang biyahero ay nakilala sa pangalang Gwyneth Chua na dumating sa Pilipinas noong Disyembre 22, at napaulat na dumalo sa isang party noong Disyembre 23, ayon sa Department of the Interior and Local Government.

 

Isinailalim sa Covid -19 test at nagpositibo sa Covid 19 noong Disyembre 27, at inilipat sa iba’t ibang isolation facility noong Disyembre 29.

 

Nananatili naman itong nasa ilalim ng isolation, ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

“Because of what happened number 1 we will ensure that whatever applicable laws will be enforced and whoever can be prosecuted we will prosecute,” ayon kay Nograles.

 

“And it’s not just civil cases to be filed but talagang (really) criminal charges will be filed against those responsible, whether it’s the violator or the establishment. We will do what is necessary to serve as an example to all,” anito.

 

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine National Police.

 

“There are already admissions I think by the lady herself and even by the hotel. Evidence gathering na ‘yan and then sasampahan na ‘yan ng kaso,” aniya pa rin.

 

“Ayokong pangunahan so hayaan muna natin ang evidence gathering ng ating mga kapulisan at CIDG (PNP-Criminal Investigation and Detection Group),” ayon kay Nograles.

 

Iyon aniyang mga mapapatunayang lumabag sa COVID-19 health protocols ay maprurusahan sa ilalim ng Republic Act 11332, o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”

 

Sa ilalim ng batas, ang mga mapatutunayang lumabag sa COVID-19 health protocols ay pagmumultahin ng P50,000, o mahaharap sa pagkakulong ng hanggang anim na buwan.

 

“It would be up to the judge whether the quarantine violator would face a fine or imprisonment,” ayon kay Nograles. (Daris Jose)

Other News
  • 65.7 milyong Pinoy pipili na ng mga bagong lider

    NASA 65.7 milyong mga botanteng Pilipino ang inaasahang dadagsa ngayon sa iba’t ibang ‘polling precints’ ng Commission on Elections (Comelec) para pumili ng mga bagong lider ng bansa ngayong 2022 National at Local Elections.     Sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pa­ngarungan na “all systems go” na sila maging ang mga katuwang na ahensya ng […]

  • DOTr: National standards sa paggamit ng iisang payment systems sa lahat ng transport modes inaayos

    Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) ng nationwide standards specifications para sa fare media at transit readers para sa planong “nationwide interoperable automated fare collections systems (AFCS)” sa lahat ng transport modes.   “We are formulating and finalizing the release of the AFCS National Standards to ensure interoperability and mutual trust among multiple automatic fare […]

  • Pedicab driver todas sa motor sa Navotas

    NASAWI ang isang pedicab driver matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Road-10 sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Dennis Pagulayan, 39 ng R-10, Brgy., NBBN Proper.     […]