• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City LGU, GSIS kapit-bisig sa pabahay program

NAKIPAGSUNDO ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Quezon City government para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang ‘Pabahay sa Bagong Bayani na Manggagawa (PBBM)’ program ng pamahalaan.

 

Sa ilalim nito, ang GSIS ay magtatayo ng medium rise buildings (MRB) sa kanilang mga lote sa Barangay Fairview para sa pinaka- nangangailangang GSIS members.

 

Titiyakin naman ng Quezon City Government at pamunuan ng Barangay Fairview na mabibigyan ng in-city relocation ang mga maaapektuhang pamilya.

 

Ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ay bahagi ng selebrasyon ng ika-86 anibersaryo ng pagkakatatag ng GSIS, na pinaunlakan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

 

Lumagda sa MOA sina GSIS President at General Manager Jose Arnulfo ‘Wick’ Veloso, Vice Mayor Gian Sotto, Chief of Staff Rowena Macatao, at Barangay Fairview Chairperson Jonel Quebal na sinaksihan ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Ramon Asprer at HCDRD Acting Assistant Head Atty. Jojo Conejero.

Other News
  • PDu30, kakausapin si Xi sa Abril 8

    NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 para muling ipabatid dito ang kanyang alalahanin na ang armed conflict sa Eastern Europe ay maaaring mag- spill over sa Asya at madamay ang Pilipinas sa “vortex of a war” sa rehiyon.     Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa […]

  • DND iba-validate ang babala ng Japan sa ‘terrorist threat’ sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas

    Iba-validate ng Department of National Defense (DND) ang inilabas na babala ng Japan ukol sa umano’y bantang terorismo sa ilang bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas.     Ito ang inihayag ni DND Spokesperson Arsenio Andolong kaugnay ng inilabas na travel advisory ng Japanese Foreign Ministry sa kanilang mga mamayan sa anim na bansa […]

  • Brooklyn Nets pasok na sa NBA semifinals matapos ilampaso sa Game 5 ang Celtics

    Pasok na rin sa second round ang powerhouse team na Brooklyn Nets matapos ilampaso sa Game 5 ang Boston Celtics, 123-109.     Tinapos ng Nets ang first round series sa 4 wins against 1.     Dahil dito, uusad na ang Brooklyn sa semifinals upang harapin naman ang nag-aantay na Milwaukee Bucks.     […]