Quezon City LGU sinimulan na operasyon ng 2 water retention project
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
PAGAGANAHIN na ng Quezon City LGU ang dalawang malaking water retention project upang makatulong na maibsan ang matinding pagbaha sa Lungsod tuwing may bagyo.
Sa ginanap na QC journalist forum, sinabi ni Ms Peachy de Leon, spokesperson ng QC Disaster Risk Reduction Management office (QCDRRMO) na malaki ang posibilidad na mabawasan ang bilang ng mamamayan na maapektuhan ng pagbaha oras na gumana ang naturang mga proyekto.
Ang water retention project na nasa Palmera Homes Phase 2 sa Sta Monica sa District 5 at sa Gloria Court sa Tandang Sora sa District 6 at dalawa pa lamang sa apat na proyektong nakalinya na inilatag ng QC LGU para maibsan ang pagbaha sa QC. Dalawa pa rito ay ang Tuloy Daloy Drainage at Salong Tubig Project o catch basin na bahagi ng Drainage Master Plan ng QC LGU.
Kaugnay nito sinabi ni Councilor Charm Ferrer, chair ng Committee on Disaster Risk Reduction ang lungsod para sa pagtugon sa iba’t ibang kalamidad tulad ng training at seminar sa mga tauhan sa mga barangay at action center.
Upang maipatupad anya ang mga programa sa Disaster Preparedness ay naglaan ang QC LGU ng 5 percent sa kabuuang budget ng lokal na pamahalaan kada taon.
Mayroon din anyang 6 na permanent evacuation centers ang QC LGU na maaaring pansamantalang kanlungan ng mga apektado ng bagyo bukod sa mga covered court sa mga barangay at maging sa mga simbahan.
Aniya ang QC sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte ay laging handa na tumugon sa anumang kalamidad at pangangailangan ng QCitizen laluna kung may bagyo.
-
July 8, 2024 Araw ng pagtatapos
PERSONAL na dumalo si Mayor John Rey Tiangco sa araw ng pagtatapos ng mahigit 347 skilled workers sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute, bilang ng pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. Sa kanyang mensahe, binati at ibinahagi ni Mayor Tiangco sa mga nagsipagtapos ang mga sikreto ng tagumpay. (Richard Mesa)
-
Ads October 30, 2024
-
Toni, Mariel at Karla, wini-show na magka-show sa AMBS: BIANCA, laglag na talaga at pinalitan ng nanay ni DANIEL
NAGPASALAMAT si Mariel Rodriguez-Padilla kina Toni Gonzaga at Karla Estrada na kung saan nag-dinner sila isang kilalang steakhouse. Sa kanyang IG post, kasama ang mga photos, nilagyan niya ito caption na, “Thaaaaaank you soo much for a wonderful evening @celestinegonzaga and @karlaestrada1121
” Nag-react naman ang mga netizens at followers sa […]