Quiboloy ilipat na sa BJMP! — PNP
- Published on October 3, 2024
- by @peoplesbalita
DAPAT na umanong ilipat sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito naman ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief PCol Jean Fajardo sa isinagawang press briefing.
Ayon kay Fajardo, kung sila ang tatanungin, dapat nang tanggalin sa PNP Custodial Center ai Quiboloy at mailipat sa isang regular na kulungan.
Sa ngayon ayon pa kay Fajardo, naisumite na ng PNP sa Pasig RTC ang medical evaluation na isinagawa ng PNP general hospital kay Quiboloy.
Ito kasi ang magiging basehan ng korte sa pagde-desisyon kung dapat bang ilipat o manatili si Quiboloy sa PNP custodial center kaugnay ng kasong qualified human trafficking na kinakaharap nito.
Nilinaw din naman ni Fajardo na susunod sila kung anuman ang magiging desisyon ng korte.
-
LOOKOUT BULLETIN, INISIYU KAY MICHAEL YANG AT 8 IBA PA
INILAGAY ng Bureau of Immigration (BI) sa lookout bulletin si dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang. Si Michael Yang, o kilalang Yang Hong Ming, ay kabilang sa iniimbestigahan ngayon sa Senado dahil sa maanomalyang pagbili ng mga health supplies nitong pandemic. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang […]
-
Grupo ng community bakers, humirit sa govt’ na dagdagan ng P4 hanggang P8 ang presyo ng pandesal
SA PAGTATAYA ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, sa ngayon kasi ay nasa 20% hanggang 25% ang bilang ng mga panaderyang napipilitang magsara nang dahil sa pagkalugi at mataas na presyo ng bilihin Paglilinaw ni Dir. Jam Mauleon mula sa naturang asosasyon, sapat ang supply ng harina at iba pang sangkap ng tinapay sa […]
-
Rookie card ni Serena Williams naibenta sa mahigit P2.2-M
Naibenta sa auction sa halagang $44,280 o mahigit P2.2-M ang autographed 2003 rookie card ni tennis star Serena Williams. Ayon sa Goldin Auctions na ito na ang maituturing na pinakamahal na sports card ng isang babaeng atleta na naibenta. Una kasing naitala ang rookie card ni dating US soccer player Mia […]