• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QUIBOLOY, nananatiling nagtatago sa Pinas- DOJ

HANGGANG ngayon ay nakabinbin ang 2 warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil patuloy itong nagtatago sa Pilipinas habang ang hurisdiksyon ng kanyang mga kaso ay inilipat na sa Pasig City mula Davao.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary at spokesman Mico Clavano na ipinapakita ng kanilang impormasyon na si Quiboloy, nahaharap sa asunto para sa child abuse at qualified trafficking, ay nananatiling “at large” sa Pilipinas maliban na lamang kung may bagong development mula sa mga awtoridad.
“The respondent, or the accused [Quiboloy] has to submit his person to the court for the court to be able to assert its jurisdiction and to subject him to other processes under the law,”ayon kay Clavano.
“Obviously he’s still at large so the law enforcement is still on the lookout and they’ve continued the operations to be able to arrest on the basis of the warrants that have been issued by the court,” dagdag na pahayag ni Clavano.
At nang hingan ng komento ukol sa requests o kahilingan para sa pagpapalabas ng hold departure order (HDO) laban kay Quiboloy, sinabi ni Clavano na napag-usapan na ito kung saan naghain na ang prosekusyon ng kanilang mosyon para magpalabas ng HDO laban kay Quiboloy.
“So, once you have a respondent or an accused, that is a flight risk especially given the resources that this person has, then the prosecutors are very diligent in making sure that that doesn’t happen ‘no – that the accused is able to leave the country without actually facing the allegations in the proper forum,” aniya pa rin.
Tinuran pa ni Clavano na inilagay na ng Bureau of Immigration si Quiboloy sa ‘lookout list.’
Samantala, sa nasabi pa ring press briefing, muling nanawagan si Clavano kay Quiboloy na sumuko na. (Daris Jose)
Other News
  • ANNE, agad na pinakalma ang nag-panic na Kapamilya fans; nag-pitch lang ng pelikula pero ‘di lilipat tulad ni BEA

    NABULABOG at nag-panic ang solid Kapamilya fans nang lumabas photo na pakikipag-zoom meeting ni Anne Curtis-Smith sa executives ng GMA Films na sina Atty. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan, na halos kasabay ng pagpirma ni Bea Alonzo sa GMA Network.     Say ng isang netizen kay Anne, “please tell us na gma films lang […]

  • Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

    KAAGAD nagbigay ng tulong pinansyal sina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa halos 60 pamilyang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa Navotas City.     Personal na binisita at kinamusta ni Mayor Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng lungsod ang mga nasunugan na karamihan […]

  • Gilas Pilipinas sisimulan na ang training camp sa Biyernes

    ISA-isa ng dumarating sa bansa ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na FIBA Asia Cup sa darating na linggo.     Mula kasi sa mga liga nilang sinalihan sa ibang bansa ay nasa bansa sina Kai Sotto at guard na si Dwight Ramos habang inaasahan naman na sa mga susunod na araw […]