Quirino exit ng Skyway 3 binuksan
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
Binuksan ng San Miguel Corp. (SMC) ang southbound Quirino exit ng Skyway Stage 3 elevated expressway sa mga motorista para sa Class 1 na sasakyan.
Ayon sa SMC, ang Skyway Stage 3 Quirino southbound exit ay makakatulong sa mga motorista na galing sa Balintawak at Quezon Avenue na makapunta sa Manila sa loob lamang ng 20 minuto mula sa dating 1.5 na oras kung walang traffic.
“With more private vehicles diverted to Skyway Stage 3 their way back from the North Luzon Expressway or coming from Quezon Avenue to Manila, traffic on major public roads and streets usually utilized as short cuts or alternate routes will be a thing of the past,” wika ni SMC president Ramon Ang.
Makakatulong ito ng malaki sa paglutas ng pagsisikip sa mga lansangan at ang paglalakbay ay magiging mabilis at madali para sa mga taong-bayan.
Sa kasalukuyan ang expressway ay mayron ng 15 operational ramps. Ang SMC ang siyang gumawa at gumastos sa pagtatayo ng Skyway Stage 3 project. Nagkakahalaga ng P80 billion na pondo mula sa SMC ang ginastos sa pagtatayo ng Skyway Stage 3 project.
Ang Skyway Stage 3 project ay binuksan noong nakaraang January kung saan ito ay nagdudugtong mula sa Buendia hanggang Balintawak at vice-versa.
Sinabi rin ni Ang na ang SMC ay dedicated sa pagbibigay ng kumportable, ligtas, kaaya-aya, maginhawa, mabilis na pagbibiyahe ng publiko upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila at ng magkaron ng paglago sa lahat ng lugar na kayang puntahan.
“We remain dedicated to providing convenient and seamless travel for motorists to help decongest Metro Manila and enable growth in all areas that we reach,” dagdag ni Ang.
Dumating din sa inagurasyon si Department of Public Works ang Highways (DPWH) kung saan niya sinabi na ang buong pagtatayo ng Skyway Stage 3 ay makapaglilihis ng 75,000 na mga sasakyan na dumadaan sa EDSA o di kaya ay C-5.
Sinabi rin niya na ito ang patotoo sa sinabi ni President Duterte na kanyang pangako na mababawasan ang traffic sa EDSA. Ang Skyway Stage 3 project ay isang proof na ang pribado at ang pamahalaan ay maaari magtulong-tulong sa paghahanap ng solusyon sa problema sa traffic sa Metro Manila.
Ang Skyway 1 at 2 ay isang Skyway system na may 38-kilometer elevated expressway at may 36 on-and-off ramp access points na magpapabuti sa accessibility, transportation at traffic conditions sa buong Metro Manila. (LASACMAR)
-
PBBM sa ERC: Pag-aralan ang electricity bill moratorium para sa mga Kristine-hit areas
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na pag-aralan mabuti ang posibleng implementasyon ng ‘temporary relief’ sa electricity bill payments sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity. Ipinag-utos ni Pangulong President sa ERC na pag-aralan ang pagpapataw ng moratorium sa electricity line disconnections at payment collections […]
-
PDU30, pinakakasuhan na sa Senado ang Pharmally
Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na sampahan na ng kaso ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation dahil sa overpriced na COVID-19 supplies na binili ng gobyerno. Sa kanyang lingguhang address to the nation nitong gabi ng Lunes, iginiit ng pangulo na ang Senado ay hindi criminal court at hindi […]
-
Tuloy ang salpukan nila ni Mayor Honey sa Maynila: ISKO, malabo na mag-back out dahil sa taas ng rating
MAINIT na pinag-usapan pa rin ngayon sa Maynila ay ang parating na local elections. Umaasa pa rin daw ang kampo ng incumbent Mayor Honey Lacuna na mag-back out ang dating mayor na si Isko Moreno at ikunsider na lang na tumakbong senador. Pero kung pagbabasehan ang inilabas na […]