RABIYA MATEO, kailangan nang maghanda kung totoong sa May 9 na ang ‘Miss Universe 2020’
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
MATUTULOY ngayong 2021 ang Miss Universe pageant.
Ito ay ayon sa Miss Universe Organization vice-president Shawn McClain na naglabas ng maraming pagbabago sa pageant dahil sa COVID-19 pandemic.
“There’s is a chance we change a bit, change some things about Miss Universe.I can’t say many details now, but changes (in) some parts of the show, some aspects of the competition to make it more a little 2021 as (like) an evolution of Miss Universe.
“We have a ton of people, a huge team thinking, creating the new format, new way of doing things and we are working on that. Now the pandemic brought many negative things, but also many positives.”
Sa bansang Costa Rica raw magaganap ang naudlot na Miss Universe 2020. Tutularan daw nila ang ginawang pag-iingat ng Miss USA 2020 na ginanap noong November 9, 2020 sa Exhibition Centre and the Soundstage at Graceland in Memphis, Tennessee. Nagwagi rito ay si Miss Mississippi Asya Branch.
“We had Miss USA and we learned how to hold an event with strict protocols, how to keep the contestants (in a) safe place, place each group in their own spot, not mix the groups and have everyone wear masks. This is what we are thinking of doing at the end of this year in Costa Rica.”
May report na magaganap ang 69th edition ng Miss Universe pageant on May 9, 2021, Mother’s Day. Pero wala pang confirmation ang MUO tungkol dito.
Si Rabiya Mateo ang nanalo bilang Miss Universe Philippines 2020 at kailangan na nitong maghanda kung sa May na ang Miss Universe.
Ang current Miss Universe ay si Zozibini Tonzi of South Africa.
***
NAGLABASAN sa social media ang mga #JulieVid shippers matapos mag-post ng mga behind-the-scenes photos ang cast sa set ng upcoming GTV romantic series na Heartful Cafe.
Excited ang netizens sa first on-screen pairing ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose at Kapuso Hunk na si David Licauco bilang ang mga bidang sina Heart Fulgencio at Ace Nobleza. Hindi pa man daw nagsisimula ang kuwento, kitang-kita na agad ang chemistry ng dalawa.
Sey ng isang fan sa comments section, “Hoooy!!! Kasi naman, e. Bakit kinikilig ako.”
Dagdag pa ng iba, tiyak na aabangan nila ang tambalang ito sa TV. Makakasama rin nila Julie at David ang mga kapwa Kapuso artists na sina EA Guzman, Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Ayra Mariano, at Victor Anastacio.
Huwag palalampasin ang pagbubukas ng Heartful Cafe soon sa GTV!
***
PATULOY na dumarami ang fans ng Kapuso teen actress na si Althea Ablan lalo na online!
Matapos ang matagumpay na pagtatapos ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas na kinabilangan niya, lalong lumakas ang kaniyang social media presence.
Umabot na sa higit six million followers ang official Facebook page ng aktres. Patok na patok din si Althea sa iba’t ibang platforms tulad ng TikTok, Instagram, at YouTube, kung saan mayroon ng 430,000 subscribers ang channel niya. (RUEL J. MENDOZA)
-
1 patay, 14 sugatan sa banggaan ng 2 tren sa Germany
PATAY ang isang katao at sugatan ang 14 na iba pa sa nangyaring banggaan ng dalawang pampasaherong tren sa Munich, Germany. Naganap ang insidente sa S-Bahn urban rail station ng Ebenhausen-Schaeftlarn, southwest of Munich. Base sa inisyal na imbestigasyon ay nadiskaril ang isang tren kaya ito bumangga sa kasalubong na pampasaherong […]
-
ENVIRONMENT GROUP NAGPROTESTA KONTRA SA DOLOMITE DUMPING
IGINIIT ng ilang environmental group ang pagpapatigil sa pagtatambak ng dolomite sa may 500 metro ng Baywalk sa Manila Bay. Dakong alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng kilos protesta ang ilang kinatawan ng Pamalakaya, Nilad, Manila Baywatch, at Baseco Peoples’ Alliance. Bitbit ang mga placards na nagsasasaad “Rehabilitasyon sa Manila Bay,hindi white sand” , ” […]
-
Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center, nagkamit ng mga parangal sa QUILTS Awards 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang panibagong pagkilala ang muling nadagdag sa listahan ng mga karangalang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan nang magkamit ang pasilidad na Luntiang Silong ng Bulacan Medical Center ng dalawang malaking karangalan bilang kampeon sa parehong kategorya ng Linkage to Care at Differentiated Service Delivery and Case Management sa katatapos lang […]