RABIYA, umaming si ALDEN ang gustong makatrabaho sa unang project kapag naging Kapuso na
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
BALITANG pipirma na ng kontrata bilang Kapuso si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, pagkatapos niyang makoronahan ang mananalong Miss Universe Philippines 2021.
Sa Saturday, September 25 na sana ito pero nagkaroon ng pagbabago ang schedule ng mga activities ng beauty pageant, at sa October na raw matutuloy ang coronation night.
Ituloy na rin kaya ni Rabiya ang pagpirma ng contract sa GMA Network?
Masasabi ngang hindi na rin bago si Rabiya sa GMA dahil bago siya umalis para sa Miss Universe beauty pageant, ilang araw din siyang nag-host ng Lazada segment sa Eat Bulaga at dalawang beses din siyang nag-guest sa All-Out Sundays na nakasama niya si Asia’s Multi-media Star Alden Richards.
Kaya nang mag-guest siya sa The Boobay and Tekla Show, natanong siya kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa unang project niya sa GMA, si Alden ang isinagot niya dahil nakilala na nga niya ang actor nang personal.
***
ON Saturday, September 25 is the birthday celebration of Senator Bong Revilla, at tulad nga ng nauna na niyang announcement, magkakaroon siya ng “Kap’s Agimat Birthday Giveaway,” na siya ang magbibigay ng regalo sa mga sasali sa kanyang birthday celebration.
Like last year, muling mamimigay ang actor-politician ng mga gadgets, tulad ng laptop, cellphone at iPad, Kabuhayan package at cash prizes sa mga mananalo. Dalawang araw na gagawin ito ni Sen. Bong, sa mismong birthday niya at sa Sunday, September 26.
Sa mga interesadong sumali, mag-register lamang sa Google form link at i-submit ito sa social media account ni Senator Bong. Kailangan ding mag-subscribe sa kanyang official You Tube Channel ang mga sasali.
Meanwhile, marami nang nagtatanong kung tuloy pa ring si Sanya Lopez ang muling makakatambal ni Sen. Bong sa book 2 ng fantasy action series na Agimat ng Agila.
May mga nagri-request kasi ngayon na si Andrea Torres naman ang maging leading lady niya.
Sino kaya ang pipiliin ni Senator Bong?
***
ENJOY si Kapuso actress Gabbi Garcia sa pagho-host niya ngayon sa daily noontime show na Eat Bulaga.
No problem sa kanya kung kailangang mag-lock-in siya sa APT Studios kasama ng mga co-hosts niyang sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paulo Ballesteros, at Ryan Agoncillo. Mondays to Wednesdays kasi live sila at after the show, nagti-tape naman sila ng ipalalabas from Thursdays to Saturdays.
Kaya lumalabas sila ng studio pagkatapos ng last taping day nila at babalik sila muli ng Monday, pagkatapos nilang makapag-pa-swab test.
Pero bago ang unang pasok ni Gabbi sa EB, nakapag-taping na siya at ang boyfriend niyang si Khalil Ramos ng third episode ng Regal Studio Presents ang “One Million Comments, Magjo-jowa Na Ako.”
Directed by Easy Ferrer, mapapanood na ito sa Sunday, September 26, 4:35 pm, after Dear Uge. Ang first two episodes ng RSP ay ipinalabas ng 8:30pm, every Saturday.
Happy naman ang mga fans nina Gabbi at Khalil dahil natupad na rin ang wish nilang mapanood silang magkasama sa isang episode, matapos hindi matuloy ang dapat na gagawin nilang serye sa GTV. Pero itutuloy pa rin daw iyon.
Madalas ding mapanood ang real lovers every Sunday sa All-Out Sundays sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
Balitang nagkaayos na rin sila ni LJ: PAOLO, ayaw pang sabihin na ‘officially’ sila na ni YEN
KAHIT nag-post siya ng litrato ni Yen Santos nong birthday nito at nanalong Best Actress sa URIAN, hindi raw iyon nangangahulugan na Instagram official na sila, ayon kay Paolo Contis. “Wala, walang official na ano, wala na akong inaanong official, what you see is what you get,” ang diretsong pahayag sa amin ni […]
-
Pag-uusap at konsultasyon sa pribadong sektor, kailangan para sa importasyon ng bigas-DA
INAMIN ni Department of Agriculture (DA) Usec. Mercedita Sombilla na kailangan na magkaroon ng pag-uusap at konsultasyon sa pribadong sektor para sa gagawing importasyon ng bigas. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Sombilla na “I think the President will really have to do some consultations with the private sector so that, you […]
-
Sikat na Tumbungan sa Tondo, dinala ni Yorme sa BGC
SINO ang mag-aakala na puwede palang ilipat ang Tondo sa lugar na tirahan ng mga burgis, na may nagtatayugang gusaling pang-komersiyo at condominium gaya ng Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City? Ang alam kasi ng marami, kapag nabanggit ang Tondo, lugar ito ng iba’t ibang klase ng tao, may mayaman, mahirap, edukado, […]