• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rachel Anne Daquis sumilip sa bahay-ampunan

PATULOY na nagpapakalat ng inspirasyon at kawang-gawa si Cignal HD Spikers team captain Rachel Anne Daquis kasunod ng pagbisita nito sa isang bahay-ampunan sa Tanay, Rizal.

 

Nakipagkulitan at nakipag-bonding ang 34-anyos na tinaguriang “Queen Tamaraw” sa mga kabataan ng Destiny’s Promise Home for Children Foundation.

 

Namahagi rin ito ng pagkain mula sa isang sikat na fast-food chain, mga gatas at bitamina na galing sa isang malapit na kaibigan.

 

Kilalang tagasulong ng pampalakasan ang multi-titlist outside at open hitter na nagawang magpalaganap ng larong volleyball sa kanyang itinulak na RAD Volleyball Camp noong Nobyembre 2022.

 

“Weekend with our angels, I’m super happy knowing our older kids are active in sports. They just came from a football practice (every Saturday they have practice and games). Good job kiddos!” pahayag ni Daquis sa kanyang Instagram post. “Special thanks to Aguinaldo Family for donating milks and vitamins for our angels.”

 

Puro papuri ang natanggap ng Taytay, Rizal native.

 

“Ms. Rachel I really admire how kind hearted and generous you are. May our God continue to bless you and your family,” saad ng isang fan.

 

“Kaya po lodi ko kayo eh. Beautiful inside and out. Thank you captain ganda for always sharing your time and blessings to people who are in need. God bless you po always,” wika naman ng isa.

 

Naghahanda ang koponan ng Cignal upang sumabak sa darating na 2023 season ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa susunod na buwan.

 

Back-to-back bronze medal at runner-up finish sa nagdaang 2022 season ng Open at Invitational Conference at Reinforced, ayon sa pagkakasunod, ang Cignal ni Daquis. (CARD)

Other News
  • 19% lang ng mag-aaral ang fully vaccinated bago pasukan — DepEd

    UMAABOT  lamang sa 19 percent ng mga mag-aaral ang fully vaccinated laban sa COVID-19 bago magsimula ang pasukan sa Lunes.     Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ang naturang porsiyento ay mula sa tala ng Department of Health (DOH).     Aniya, ang mababang bilang ng mga mag-aaral na fully vaccinated ay dahil ang […]

  • Ads December 13, 2023

  • Dahil nagamit at ‘di pagrespeto sa official seal ng siyudad: AIAI, dineklarang ‘persona non-grata’ sa Kyusi kasama si Direk DARRYL

    MAY resolusyon na ibinaba ang Quezon City na persona non-grata na ang Kapuso comedienne na si AiAi delas Alas at ang director na si Darryl Yap sa buong siyudad.       Ang dahilan, dahil sa ginawa nilang content during election campaign kunsaan, gumanap si AiAi bilang si Ligaya Delmonte na tila pagpo-portray ng hindi […]