RAFAEL NADAL nagkampeon sa Australian Open matapos talunin si Daniil Medvedev
- Published on February 1, 2022
- by @peoplesbalita
TINANGHAL na kampeonato ng Australian Open si Rafael Nadal matapos talunin si Daniil Medvedev.
Nakuha ng tennis star ng Spain ang scorena 2-6, 6-7, 6-4, 6-4, 7-5 ang Russian tennis star.
Naging kapana-panabik ang laban ng habulin ng 35-anyos na Spain ang dalawang set ng dominado ni Medvedev dahil sa pagpasok ng third set ay doon na siya umarangkada.
Itinuturing kasi na si Nadal ang paboritong manalo ng titulo dahil sa hindi paglalaro ng defending champion Novak Djokovic dahil sa isyu ng visa habang may injury si Roger Federer.
Ito na ang pangalawang pinakamatagal na laban ng Grand Slam Final sa kasaysayan na ang una ay noong 2012 final sa Melbourne Park ng mabigo si Nadal kay Novak Djokovic na mas matagal ng 30 minuto.
Dahil sa panalo ay nagtala si Nadal ng record-breaking ng makuha ang 21st Grand Salm men’s title na umabot sa limang oras at kalahati ang laban ng Australian Open final.
Nahigitan nito sina Roger Federer at Djokovic na mayroong tig-20 Grand Slam title.
Itinuturing kasi na si Nadal ang paboritong manalo ng titulo dahil sa hindi paglalaro ng defending champion Novak Djokovic dahil sa isyu ng visa habang may injury si Roger Federer.
-
Huling Linggo ng Abril: Halos 1-M na ang total COVID case sa PH, 109 bagong nasawi
Mula sa 9,661 kahapon, bahagyang bumaba sa 8,162 ngayong huling araw ng Linggo sa Abril ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa. Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 997,523 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas. Sa ilalim ng […]
-
Ads July 3, 2021
-
Iniisip na karelasyon na ng aktres si Paulo: Pag-follow ni LJ kay KIM, ikinatuwa ng mga tagahanga ng KimPau
IKINATUWA ng mga tagahanga ng KimPau ang pag-follow ni LJ Reyes sa instagram ni Kim Chiu. Para kasi sa kanila ay parang pahiwatig daw ‘yun may sort of basbas ‘yun mula mismo sa dating karelasyon ni Paulo Avelino. Lalo raw kinilig ang nga fans sa ginawang yun ni LJ. […]