Rafael Nadal umatras na sa semis ng Wimbledon dahil sa injury
- Published on July 9, 2022
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang umatras si tennis star Rafael Nadal sa semifinals ng Wimbledon.
Ito ay dahil sa dinararanas niyang abdominal injury.
Dahil dito ay tiyak na ang pagpasok sa finals ng kanyang katunggali na si Nick Kyrgios na makakaharap sa sinumang manalo sa pagitan nina Novak Djokovic at Cameron Norrie ng Britanya.
Ang 22-time Grand Slamp Champion na si Nadal ay dumanas ng nasabing injury sa five-set win nito laban kay Taylor Fritz ng US.
Magugunitang nadiskubre ang seven-millimeter na sugat sa kaniyang tiyan matapos ang quarterfinals win kung saan tiniyak pa nito na makakalaro siya sa semifinals.
Pinayuhan siya ng kaniyang medical staff na huwag ng maglaro para hindi lumala pa ang injury.
-
P335 million ang nawawala sa gov’t dahil sa ‘duplicates’ at ‘inconsistencies’ sa database ng 4Ps
IBINUNYAG ng Commission on Audit (COA) na nasa P335 million ang halaga ng nawawala sa gobyerno dahil sa duplicates at inconsistencies sa database ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa Performance Audit Report ng COA sa 4Ps program, inirekomenda nitong muli ang pagsasagawa ng cleansing […]
-
VALENZUELANONG LUMABAG SA BATAS-TRAPIKO, ABSWELTO SA MULTA
NAGPASA ang Sanggunian ng Valenzuela City ng ordinansang nag-aabswelto sa mga motoristang Valenzuelano na nahuling lumabag sa mga batas trapiko sa pamamagitan ng No Contact Apprehension Program (NCAP) na magbayad ng multa. Nakasaad sa Ordinance No. 901 Series of 2021, ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko habang nakataas ang enhanced community quarantine […]
-
Administrasyong Marcos, nalampasan ang 2022 revenue target ng 2.2%
NALAMPASAN na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang revenue target para sa 2022 ng 2.2%. Ito ang inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS), tinukoy ang report ng Department of Finance (DOF). Sinabi ng OPS na ang lumabas na revenue collections mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) […]