• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC

INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad.

 

 

Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga nakaschedule na water interruption na makaaapekto sa ilang barangay.

 

 

Inaasahang aabot ng hanggang 11 oras ang nasabing mga interruption bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam, ayon na rin sa Maynilad.

 

 

Ayon kay Belmonte, malaki ang maitutulong nito para mapagaan ang epekto ng water interruption sa ating lungsod, lalo na sa mga komunidad na maaapektuhan ng water interruption.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga water companies upang matiyak na walang tagas o leak ang mga linya ng tubig.

 

 

Gayundin naman, maging ang Barangay and Community Relations Department ay inatasan na rin ni Belmonte na makipag coordinate sa Maynilad upang mamonitor ang schedule ng mga water tanker na aalalay sa mga apektadong barangay.

 

 

Samantala, responsibilidad naman ng Public Affairs and Information Services Depaetment o PAISD at ng Quezon City Citizen Services Department na makipag-ugnayan sa mga water concessionaires para sa mabilisang pagpapalaganap ng information kaugnay nga sa water interruption schedules. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Stamina, head movements at footwork mahigpit na tinututukan ng Team Pacquiao

    Tinututukan sa ngayon ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao na mas maging malakas pa ang stamina ng pinoy ring icon bilang preparasyon sa nakatakdang laban kay Errol Spence.     Ayon kay Pacquiao na dapat ma-develop rin ang kanyang head movements at footwork.     Dagdag pa nito na focus siya ngayon sa training dahil […]

  • Ads November 17, 2022

  • Irarampa ng bonggang-bongga ang Higantes costume… HERLENE, ‘di nagpakabog sa Tikbalang costume ni PAOLO para kay GRACIELLA

    HINDI nagpakabog si Herlene “Hipon Girl” Budol sa Tikbalang costume na disenyo ni Paolo Ballesteros para sa co-candidate niya sa Binibining Pilipinas na si Graciella Lehmann, dahil ang magiging national costume niya ay inspired ng mga higante ng Angono, Rizal.       Nakilala ang hometown ni Hipon sa Higantes Festival at napili niyang isuot […]