Rally ni Robredo sa Negros Occidental dinaluhan ng 100K supporters
- Published on March 14, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 100,000 katao ang dumalo sa iba’t ibang pagtitipon ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Negros Occidental noong Biyernes, kabilang ang grand rally sa Paglaum Stadium sa Bacolod City na dinaluhan ng 70,000 supporters.
Ayon kay Negros Occidental provincial administrator Rayfrando Diaz, ang bilang ng tao sa loob ng Paglaum Stadium at sa paligid nito ay umabot ng 70,000.
Umabot naman sa 20,000 katao ang dumalo sa rally ni Robredo sa Sagay City, ayon kay Cadiz City Mayor Salvador Escalante.
Nagtungo rin ang Bise Presidente sa San Carlos City, Kabankalan City, La Carlota City, Binalbagan at Hinigaran, kung saan dumalo ang kabuuang 20,000 supporters.
Naitala sa pagtitipon sa Bacolod City ang pinakamaraming bilang ng supporters mula nang magsimula ang kampanya.
Bago rito, nagtungo rin si Robredo sa Cavite, Iloilo at Tandag kung saan nagtipon ang nasa 50,000, 40,000, at 20,000 supporters, ayon sa pagkakasunod. Libu-libong tagasuporta rin ang nagtipon sa mga rally ni Robredo sa Mindoro at Romblon.
Kahit si Iloilo City Mayor Jerry Trenas ay isinuko na ang korona sa Bacolod City nang maitala nito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga tagasuporta ni Robredo.
-
Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec
PUMALO na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban. Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon. Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police […]
-
DOJ at PNP, magkasamang binigyan ng update ang pamilya ng mga nawawalang sabungero
MAGKASAMANG pinulong ng Department of Justice at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang mga pamilya’t kaanak ng mga nawawalang sabungero. Ito ay matapos na magkaroon ng mga panibagong development ang pulisya hinggil sa kanilang ginagawang imbestigasyon dito. Layunin nito na bigyan ng update ang mga kamag-anak ng 34 […]
-
PDu30, pinasisigurong kasama ang pamilya ng mga pulis at sundalo na nakatakdang tumanggap ng bakuna
PINASISIGURO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay vaccine czar Carlito Galvez Jr na pati pamilya ng mga pulis at militar ay makikinabang sa nakatakdang pagbabakuna para sa mga nasa A4 category. Sinabi ng Pangulo na dapat lang na mabigyan din ng kaparehong prayoridad ang pamilya ng mga kawal at miyembro ng PNP na noon […]